Inatake ng Chinese Coast Guard (CCG) ang Philippine Coast Guard (PCG) at Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) sa katubigang sakop ng teritoryo ng Pilipinas.
Batay sa ulat na ibinahagi ni Philippine Coast Guard (PCG) Spokesperson Jay Tarriela nitong Biyernes, Hulyo 24, nagpakawala ang CCG vessels ng serye ng water cannon sa PCG at BFAR sa kalapit na katubigan ng Bajo de Masinloc (BDM).
Aniya, isinasagawa ng PCG at BFAR ang programang Kadiwa ng Bagong Bayaning Mangingisda (KBBM)—na layong magbahagi ng tulong sa mga Pilipinong mangingisda—nang umatake at magbomba ng tubig ang CCG vessels.
“The PCG strongly condemns the dangerous and unprofessional actions of the China Coast Guard. Bajo de Masinloc is an integral part of the Philippine territory, and its surrounding waters form part of the country's territorial sea and exclusive economic zone,” saad ni Tarriela.
“The 2016 Arbitral Award has affirmed that BDM is a traditional fishing ground of Filipino fisherfolk, whose rights cannot be lawfully impeded by any foreign power,” giit pa niya sa kaniyang ulat.
Matatandaang kamakailan lamang, inatake rin ng CCG ang ilang mga Pilipino sa Ayungin Shoal; kung saan isang tauhan ng Philippine Navy (PN) ang nasugatan sa ulo.
KAUGNAY NA BALITA: Mga bansang kumondena sa CCG attacking incident sa Ayungin Shoal-Balita
Kasunod ng nasabing insidente, ipinatawag ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. si Chinese Ambassador to the Philippines Jing Quan sa Palasyo.
MAKI-BALITA: Chinese ambassador Jing Quan, ipinatatawag ni PBBM sa Malacañang-Balita