July 25, 2026

Home BALITA National

Ombudsman, naghain ng reklamo vs Romualdez, Co, atbp!

Ombudsman, naghain ng reklamo vs Romualdez, Co, atbp!
File Photo

Nagsumite ng supplemental complaint-affidavit ang Special Panel of Investigators ng Office of the Ombudsman (OMB) laban kina dating House Speaker at Leyte 1st District Rep. Martin Romualdez, dating Ako Bicol Partylist Rep. Zaldy Co, at iba pa.

Sa lumabas na mga dokumento sa media mula sa OMB nitong Huwebes, Hulyo 24, 2026, makikitang isinumite nila ang naturang reklamo sa tanggapan ng Preliminary Investigation, Administrative Adjudication, and Monitoring Office II (PAMP II) noong Lunes, Hulyo 20.

Sa naturang reklamo, humiling ang Special Panel of Investigators na masampahan ng mga kasong plunder sa ilalim ng Republic Act No. 7080, direct bribery sa ilalim ng Article 210 ng Revised Penal Code, at paglabag sa Section 3(a) at Section 3(b) ng Republic Act No. 3019 sina Romualdez, Co, at iba pa.

Anila, kaugnay umano ito sa kanilang concerted at coordinated acts sa pagkakaroon ng ill-gotten wealth na humigit ₱56 bilyon mula 2022 hanggang 2026.

Dagdag pa, hiniling din nila na masampahan si Romualdez ng kasong indirect bribery sa ilalim ng Article 211 ng Revised Penal Code.

National

Sen. Ping 'happy' sa big win nina Sen. Kiko, Sen. Bam noong 2025 elections!

Bukod pa rito, umaasa din umano sila na masampahan ng kasong money laundering sa ilalim ng Section 4 ng Republic Act 9160 o kilala bilang “Anti-Money Laundering Act” sina Romualdez at abogadong si Atty. Jose Raulito Paras.

Bukod sa mga nabanggit, may siyam pang mga indibidwal ang kasamang sinampahan ng reklamo ng Special Panel of Investigators.

KAUGNAY NA BALITA: 'Di kayang utusan ng Speaker ang DPWH secretary!'—Abogado ni Romualdez

KAUGNAY NA BALITA: Franco Mabanta kay Rep. Romualdez: 'Are you willing to k*ll me?'