July 24, 2026

Home BALITA Metro

QC, magpapatupad ng ‘liquor ban’ sa SONA

QC, magpapatupad ng ‘liquor ban’ sa SONA
Photo courtesy: Unsplash, Quezon City Government (FB)

Ipatutupad ang “City-wide” liquor ban sa Quezon City sa darating na Lunes, Hulyo 27, upang matiyak ang kapayapaan at seguridad sa ikalimang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., na nakatakdang ganapin sa Batasang Pambansa.

Batay sa anunsyo ng Quezon City local government unit (LGU) nitong Huwebes, Hulyo 23, ang liquor ban ay epektibo simula 12:01 ng umaga hanggang 6:00 ng gabi sa Hulyo 27. 

Sa kaugnay na ulat, nauna nang ianunsyo ng Quezon City LGU ang suspensyo ng klase sa lahat ng antas sa public at private schools sa kanilang lungsod sa araw din ng Hulyo 27. 

Layon ng direktibang ito na hikayatan ang bawat mamamayan na makinig sa magiging talumpati ni PBBM. 

Sa pamamagitan din ng suspensyon ng mga klase, maiiwasang maipit ang mga motorista sa inaasahang pagsikip ng daloy ng trapiko. 

Metro

Ilog sa Antipolo, ‘bumula’ matapos tapunan ng pinaglabahang tubig!

MAKI-BALITA: City-wide class suspension sa QC, ikakasa sa SONA ni PBBM

Sa kabilang banda, tiniyak naman ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Sec. Jonvic Remulla noong Miyerkules, Hulyo 22, na higit 20,000 pulis ang nakatakdang ipadala sa SONA para sa kaligtasan at seguridad ng mga dadalong panauhin. 

MAKI-BALITA: Security preparations para sa SONA ni PBBM, 'in place' na—SILG Remulla