July 25, 2026

Home BALITA National

Sen. Erwin, humiling 'wag nang leksyunan ng senator-judges mga abogado sa impeachment!

Sen. Erwin, humiling 'wag nang leksyunan ng senator-judges mga abogado sa impeachment!
Photo courtesy: Senate of the Philippines

Pinaalalahanan ni Senator-Judge Erwin Tulfo ang mga kapuwa senator-judges na huwag na raw magleksyon sa mga abogado ng prosecution o defense panel sa gitna ng Senate impeachment trial. 

Sa naging pahayag ni Tulfo sa panayam sa kaniya ng media nitong Miyerkules, Hulyo 22, 2026, sinabi niyang gusto naman daw talaga nilang pabilisin ang daloy ng impeachment trial habang nag-iingat pa rin upang hindi raw wala silang malampasang ebidensya. 

“Number one, gusto nating bilisan. Pero we also have to be careful. Baka may ma-missed tayong mga pieces of evidence na magpresinta o hindi maeksplika nang maayos,” pagsisimula niya. 

Dagdag pa niya, “Kailangan talagang pag-aralan mabuti. Hindi kasi basta-basta rin naman na basta magpresinta ng ebidensya ay ‘yon na ‘yon.” 

Kuwestiyon ni Tulfo, kailangan pa ba raw talagang turuan ng mga kapuwa niya senator-judge ang mga abogado sa prosectuion at defense panel kapag may gusto raw ipunto ang mga ito. 

National

Sen. Ping 'happy' sa big win nina Sen. Kiko, Sen. Bam noong 2025 elections!

‘Kasi ‘yong mga kasamahan namin, sa senator-judges, parang kailangan pa bang lektyuran natin ‘yoig mga lawyers, ‘yong mga prosecution, defense? We waste time, e. Kasi may punto,” aniya. 

Buwelata niya, “Kung mali, e ‘di punahan mo na lang. Di ‘ba? ‘O, mali ‘yun.’ Kaso kung lektyuran mo pa ng ‘Law 101’ parang mapapalayo.” 

Pagpapatuloy ni Tulfo, dapat daw na tungkol lang sa mga ebidensya at testimonya ang puntuhin ng kaniyang mga kasamahan, at hindi para balikan pa ang mga “law school” kuno at kung sino raw ang may mga pinag-aralan o wala. 

“Dapat ‘yong puntuhin na lang, tungol sa ebidensya, tungkol doon sa testimonya. Pero kung babalikan mo pa ‘yong sa law school, ganito, ganito ‘yong mga pinag-aralan, mga wala kayong pinag-aralan, hindi relevat doon sa issue,” pagtatapos pa niya. 

Samantala, wala naman partikular na pangalang binanggit si Tulfo kung sino ang pinatutungkulan niyang kapuwa senator-judge. 

KAUGNAY NA BALITA: Sen. Ping, nabobobo raw sa 'bopol' na senador sa impeachment trial!

KAUGNAY NA BALITA: Sen. Alan Peter, parang taong grasa na sey ni Sen. Erwin!