July 21, 2026

Home BALITA National

Sen. Ping, nabobobo raw sa 'bopol' na senador sa impeachment trial!

Sen. Ping, nabobobo raw sa 'bopol' na senador sa impeachment trial!
Photo courtesy: Senate of the Philippines

Bumuwelta si Senator-Judge Panfilo “Ping” Lacson na tila nakakabobo raw kapag may kasamahan siyang “bopol” na senator-judge na sumisingit sa impeachment trial. 

Tumutukoy ang salitang balbal na “bopol” o “bopols” sa isang taong mahina ang pag-unawa o mabagal makaintindi. 

Sa naging pahayag ni Lacson sa kaniyang “X” post nitong Martes, Hulyo 21, 2026, sinabi niyang masarap daw makinig at marami siyang natututunan kapag magagaling mga abogadong tumayo sa panig ng prosecution at defense panel sa Senate impeachment trial. 

“Kapag magagaling ang mga abugado ng prosekusyon at depensa, masarap makinig; ang dami nating natutuhan,” pagsisimula niya. 

Screenshot mula sa “X” post ni Lacson. 

National

VP Sara, makakatakbong Pangulo hangga't 'di guilty—Comelec

Patutsada ni Lacson, nakakabobo naman daw at nagkakaroon ng problema sa gitna ng pagdinig ng impeachment trial kapag may kasama siyang “bopol” na senator-judge na umeentrada sa Korte. 

“Ang problema, kapag may umentra na senator-judge na ‘bopol’, nakaka-bobo naman,” aniya. 

“Win some, lose some,” pagtatapos pa niya. 

Samantala, wala namang binanggit na partikular na pangalan si Lacson kung sino ang pinatatamaan niyang bopol na senator-judge. 

Kasalukuyan nang nasa ikatlong linggo at ikawalong araw ang Senate impeachment trial na nakatakdang magsimula eksaktong 2:00 ng hapon ngayong Martes, Hulyo 21. 

Matatandaang inaprubahan na ng presiding officer na si Senator-Judge Chiz Escudero noong Lunes, Hulyo 20, ang pagpapadala ng subpoena para mabuksan ang mga bank records nina Vice President Sara Duterte at mister niyang si Atty. Manases “Mans” Carpio mula 2007 hanggang 2021. 

KAUGNAY NA BALITA: Sen. Alan Peter, parang taong grasa na sey ni Sen. Erwin!