July 26, 2026

Home BALITA Metro

‘No basis!' NCRPO, pinabulaanang hinaharang nila permit ng mga raliyista sa SONA!

‘No basis!' NCRPO, pinabulaanang hinaharang nila permit ng mga raliyista sa SONA!
Photo courtesy: via MB

Nilinaw ng National Capital Region Police Office (NCRPO) na wala umanong katotohanan ang mga alegasyong hinaharang nila ang permit ng mga raliyistang gustong maprotesta sa darating na ikalimang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. 

Ayon sa NCRPO, wala silang kapangyarihan na magbigay o magbasura ng anumang permit, kung kaya't wala raw katotohanan ang naturang akusasyon laban sa kanila.

"NCRPO has no legal authority to grant or deny application for permits to conduct rallies." Thus, there is no basis in saying that NCRPO is blocking the scheduled protests," anila.

Pagdidiin pa ng NCRPO, "NCRPO's participation is solely confined to providing the appropriate security measures to ensure that the rallies will be peaceful, secure and orderly for everyone."

Matatandaang kamakailan lang nang kumpirmahin ng NCRPO na apat na grupo na ng mga raliyista ang nagsumite ng kani-kanilang aplikasyon para makakuha ng permit para makapagdaos ng rally.

Metro

‘Shortened operations,’ ipinatupad sa LRT-2 ngayong Hulyo 25

KAUGNAY NA BALITA: Ilang grupo ng raliyista, kasado na permit para sa SONA!

Kabilang sa mga lugar na mahigpit na babantayan ang paligid ng Batasang Pambansa, Commonwealth Avenue, Quezon Avenue, Katipunan Avenue, at EDSA Shrine, na madalas pagdausan ng mga kilos-protesta sa mga nakalipas na buwan.

Habang nasa 20,000 tauhan mula sa NCRPO, iba pang yunit ng Philippine National Police, at mga katuwang na ahensya ang nakatakdang italaga upang tiyakin ang kaayusan at seguridad bago, habang, at matapos ang pag-uulat ng Pangulo sa Kongreso.

KAUGNAY NA BALITA: Tinatayang 20,000 pulis, ipakakalat sa SONA ni PBBM!