July 19, 2026

Home SHOWBIZ

Neil Arce, humirit kay ‘Narda’: ‘Hanapin na natin ‘yong bato!’

Neil Arce, humirit kay ‘Narda’: ‘Hanapin na natin ‘yong bato!’
Photo Courtesy: Angel Locsin, MB File Photo

Nagpakawala ng makahulugang biro tungkol sa bato ang film producer na si Neil Arce sa social media post ng misis niyang si Angel Locsin na tinagurian bilang “real-life Darna.”

Matatandaang sa Instagram post ni Angel kamakailan, naglabas siya ng sentimyento sa pag-amin ni Sen. Robin Padilla hinggi sa pagiging komunista nito.

“Ang tanong ko lang, nasaan ka nung panahong nirered-tag ako kahit alam mong hindi totoo? Actually, kasama mo pa nga at kachikahan yung mga nangre-red-tag. Naghugas-kamay at pumikit sa katotohanan,” saad ni Angel.

Komento naman ni Neil sa post, “Lika na narda hanapin natin yung bato.”

Si Narda ang alter-ego at mortal na anyo ni Darna na ginampanan ni Angel sa naturang fantasy action series ng GMA Network noong 2005.

Tsika at Intriga

Angel Locsin, ni-like ulat tungkol sa pag-unfollow ni Mariel Padilla sa kanila ni Anne Curtis

Umani tuloy ng samu’t saring reaksiyon mula sa mga netizen ang hirit ni Neil. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"hanapin mo muna ang humihithit ng bato marami daw jan sa malacanan"

"tinago po ni Ding hahahahahah"

"That is soo witty... Ang galing "

"hanapin mo sa mars kong lumalanghap karin ng bat"

"tahan na Dingdong Dantes Supporter"

"sana di pa durog ang bato "

"kuya pinatakas nila yung BATO"

"mas hanapin mo yan humithit ng bato nasa Malacañang. Mas marami naman ambag sayo sinSen. Bato para sa bayan, keysa naman sayo. Kung ipagmalaki mo na taxpayer ka, tayo lahat na Filipinos mga Tax Payer. Para alam mo lang!!!!"

"nasa Davao ang big fish, congressman daw ngaun "

Sa kasalukuyan, no show pa rin si Sen. Ronald “Bato” dela Rosa sa mata ng publiko matapos niyang tumakas sa Senado noong Mayo sa gitna ng kinakaharap na arrest warrant mula sa International Criminal Court (ICC) bilang co-perpetrator ng madugong giyera kontra droga ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Maki-Balita: 3 lugar na posibleng pinagtataguan ni Sen. Bato, tinitiktikan na ng NBI! 

Samantala, itinuturing naman ng National Bureau of Investigation (NBI) si Sen. Robin  bilang person of interest sa pag-eskapo ni Sen. Bato.

Batay sa isinapublikong CCTV footage ng pulisya noong Mayo 20, magkasamang pumunta ang dalawa sa parking lot ng Senado at sumakay sa Fortuner na puti na may plakang “DAV 1225” na nakarehistro umano sa pangalan ng huli.

Maki-Balita: Sen. Robin, 'person of interest' para matukoy kinaroroonan ni Sen. Bato—NBI