July 18, 2026

Home BALITA National

Remulla sa plunder case vs Romualdez: 'We still have to cross the t's and dot some i's!'

Remulla sa plunder case vs Romualdez: 'We still have to cross the t's and dot some i's!'
File Photo

Pumatutsada ng sikat na kawikaan sa Ingles si Ombudsman Jesus Crispin “Boying” Remulla kaugnay sa tila nalalapit na raw nilang pagsasampa ng kasong plunder laban kay Leyte 1st District Representative at dating House Speaker Martin Romualdez. 

Sa naging pahayag ni Remulla sa isinagawa nilang press conference nitong Biyernes, Hulyo 17, 2026, sinabi niyang sobrang malapit na raw silang magsampa ng naturang kaso laban sa nabanggit na mambabatas. 

“We’re vely close to filing the plunder charges,” pagsisimula niya. 

Ani Remulla, kailangan pa nga lang daw nilang mag-cross ng t’s, mag-dot ng i’s, at maglagay ng tuldok sa pangungusap bago nila maisakatuparan ang pagsasampa ng naturang kaso. 

Sa Ingles, nangangahuluhugan ang idyomang “cross some t’s and dot some i’s” bilang pagbibigay ng matinding atensyon sa pinakamaliit na detalye o pagtitiyak sa dokumentong tinatarabaho ng ilang indibidwal. 

National

‘Hindi unggoy ang mga Pilipino!’ Jay Tarriela, Sen. Robin, nagpuksaan sa social media!

“But we still have cross the t’s and dot some i’s and probably put period in sentences,” aniya. 

Pagpapatuloy ni Remulla, iyon na lang daw ang kailangan nilang gawin at handa na raw para isailalim sa preliminary investigasyon (PI) ang kaso laban kay Romualdez. 

“‘Yon na lang. Ganoong kalapit na ‘yan. I didn’t deliberately talk about that, e. Pero the cases are just about ready for preliminary investigation,” ‘ika niya. 

Diin ni Remulla, marami raw kasi ang nagtatanong lagi kung bakit daw kailangan pa muling isailalim sa preliminary investigation ang isang kaso, na aniya’y bagay na natural sa lipunang may sistema ng batas na nangangalaga sa karapatan ng mga napapatawan ng alegasyon. 

“Maraming hindi nakakaunawa, ‘Ba’t naimbestigahan n’yo na. Meron na naman PI!’ May ganoon po talaga ang lipunan na may sistema ng batas na pinangangalagaan ang karapatan ng isang nasasakdal,” saad niya. 

“Kaya meron tayong preliminary investigation to protect the rights of people who may be accused of any crime,” pagtatapos pa ni Remulla. 

Samantala, habang sinusulat ito, wala pa namang inilalabas na pahayag, tugon, o reaksyon ang kampo ni Remulla kaugnay rito. 

KAUGNAY NA BALITA: Ombudsman Remulla kay Sen. Padilla: 'He chooses to ignore the Ombudsman, so be it!'

KAUGNAY NA BALITA: 'Di kayang utusan ng Speaker ang DPWH secretary!'—Abogado ni Romualdez