July 16, 2026

Home BALITA National

Impeachment trial per day, walang dagdag-gastos sa Senado—SP Win

Impeachment trial per day, walang dagdag-gastos sa Senado—SP Win
Photo courtesy: Senate of the Philippines

Nilinaw sa publiko ni Senate President Win Gatchalian na wala raw silang karagdagang gastos sa araw-araw na gumulong ang Senate impeachment trial labab kay Vice President Sara Duterte. 

Matatandaang nakaanim na araw nang pagdinig ang Senate impeachment court sa nagdaang una at ikalawang linggo ng kanilang impeachment trial na nagsimula noong Hulyo 13 hanggang noong Hulyo 15, 2026. 

Sumentro ang mga naunang impeachment trial sa Artcile IV ng Articles of Impeachment sa naging pagbabanta umano ni VP Sara sa buhay ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., First Lady Liza Marcos, at Leyte 1st District Representative at dating House Speaker Martin Romualdez noong Nobyembre 23, 2024, at mga sumunod pa. 

Muli namang magpapatuloy ang ikatlong linggo at ikapitong araw ng impeachment trial sa darating na Lunes, Hulyo 20, 2026.

Sa naging pahayag ni Gatchalian sa panayam sa kaniya ng isang radio station nitong Huwebes, Hulyo 16, ibinahagi niyang marami rin daw ang nagtatanong sa kaniya tungkol sa kung may dagdag na gastos daw ba ang Senado sa bawat ikinakasa nilang impeachment trial. 

National

Dizon sa 2019 SEA Games issue, 'off the hook' na nga ba kay NBI Dir Matibag?

Ani Gatchalian, itinuturing lang daw nilang normal na plenary session ng Senado ang impeachment trial, dahilan para hindi raw sila magkaroon ng karagdagang gastos. 

“Marami rin akong nakukuhang tanong. Walang dagdag na gastos. Dahil itong impeachment ay tinatrato namin parang plenary session,” pagsisimula niya. 

Dagdag pa niya, “Hindi kami nagdagdag ng tao, hindi kami nagdagdag ng pagkain, hindi nagdagdag ng other expenses.” 

Giit ni Gatchalian, “kaniya-kaniyang bayad” o “KKB” daw ang kapuwa prosecution panel at defense panel ng kanilang mga pagkain at sariling gastusin. 

“In fact, ‘yong pagkain saka ‘yong other expenses ng prosecution and defense, KKB sila. Sila ‘yong nagbabayad ng sarili nila,” aniya. 

Paliwanag pa niya, “So, kung nagdala sila ng printer nila o nagdala sila ng pang-internet nila, silang nagbabayad no’n. Bibigyan namin sila ng basic pero kung gusto nilang magdagdag, silang nagbabayad no’n.” 

Pagpapatuloy ni Gatchalian, tila raw “day-to-day” o normal na pang-araw-araw lang daw na gawain sa Senado ang ginagampanan nila sa Senate impeachment trial. 

“So, walang karadagang gastos on the part of the Senate dahil parang normal day-to-day function ang ginagawa namin,” pagtatapos pa niya. 

KAUGNAY NA BALITA: Ridon sa defense sa pagbubukas ng tax records ni VP Sara: 'Kung takot... baka may tinatago!'

KAUGNAY NA BALITA: Panelo, kinudang 'di malalim' imbestigasyon ng NBI vs VP Sara!