July 15, 2026

Home SHOWBIZ Relasyon at Hiwalayan

Sachzna Laparan, may bagong manliligaw; magpapautang pa ba?

Sachzna Laparan, may bagong manliligaw; magpapautang pa ba?
Photo Courtesy: Sachzna Laparan (FB)

Inamin ng social media personality na si Sachzna Laparan na may nanliligaw umano sa kaniya ngayon matapos siyang tanungin nang diretso tungkol dito.

Sumalang si Sachzna sa latest episode ng “Fast Talk with Boy Abunda” noong Lunes, Hulyo 13, kung saan sinabi niyang magsisinungaling daw siya kung sasabihin niyang walang nagpapalipad-hangin sa kaniya.

Sey tuloy ni Boy, “At dahil hindi ka sinungaling, mayroong nanliligaw sa ‘yo?”

“May nagpu-pursue po sa akin ngayon,” sagot ni Sachzna.

Samantala, nang tanungin naman kung magpapautang daw ba siya sa kaniyang manliligaw, sinabi ng social media personality na hindi na raw kailangan pa dahil chief executive officer (CEO) ang lalaki ng isang lending.

Relasyon at Hiwalayan

Haba ng hair! Dolly de Leon, nilalandi sa Hollywood

Matatandaang kamakailan lang ay inanunsiyo ni Sachzna ang hiwalayan nila ng boyfriend niyang si Mark Pascual matapos ang kanilang tatlong taong pagsasama.

Ayon sa kaniya, hindi raw niya makakalimutan kung paano siya inalaagan ni Mark. Mula sa pagpupunas nito ng pawis tuwing may event siya, pagbibigay ng tubig bago matulog, pagmamasahe sa kaniyang paa at likod kapag sumasakit. 

Gayundin, ang araw-araw na pagmamaneho nito sa kaniya kahit gaano pa kahaba ang biyahe.

Ngunit humingi rin si Sachzna ng paumanhin kung kinakailangan niyang sumuko sa kanilang relasyon.

Aniya, “Sorry kung hindi na kita kayang hintayin. Hindi ko na kaya yung mga betrayal at yung pain every time may nalalaman ako.”

Samantala, hindi na raw niya pababayaran pa ang utang ni Mark na ₱50 milyon sa kaniya at sa pamilya niya para makapagsimula ulit ito ng panibagong buhay.

Sabi ni Sachzna, “‘Yong ₱50M na utang mo sa akin at sa pamilya ko, huwag mo nang bayaran. Tulong ko na ’yon sa’yo para magkaroon ka ng chance na makapagsimula ulit.”

Maki-Balita: Sachzna Laparan, hiwalay na sa jowa; utang na ₱50M, ‘di na pinababayaran 

Inamin naman ni Mark sa isang hiwalay na Facebook post na hindi pa niya ganap na naaayos ang mga obligasyong pinansyal na una niyang kinumpisal dalawang taon na ang nakalilipas.

Ang tinutukoy niya rito ay ang pagkatalo niya sa ₱150 million sa crypto futures trading.

Maki-Balita: Aminado sa financial problem: Mark kay Sachzna, 'Dapat sumuko ka na pero pinili mo pa rin ako!'