July 21, 2026

Home SPORTS

John Amores, aminadong sumalang sa psychiatrist sa pagbabalik sa PBA

John Amores, aminadong sumalang sa psychiatrist sa pagbabalik sa PBA
Photo courtesy: John Amores/FB

Ibinahagi ng kontrobersyal na basketball player na si John Amores na hindi umano naging madali ang pinagdaanan niya upang makakuha ulit ng lisensya at makalaro sa Philippine Basketball Association (PBA).

Sa panayam sa kaniya ng media noong Biyernes, Hulyo 10, matapos ang unang pagsalang niya sa court sa nakalipas na dalawang taon magmula ng natanggalan siya ng lisensya, iginiit niyang marami raw ipinagawa ng Games and Amusements Board (GAB). 

“Madami yung mga pinagawa sa akin. Psychiatrist, sports psychology, nagpunta ako ng medical hospital don ako nagpa-psychiatrist tsaka sports psychology. Tsaka mga seminars... work, ethics., madaming pinagawa sa akin yung GAB, talaga trinabaho ko siya ng dalawang taon,” ani Amores.

Dagdag pa niya, “Hindi basta-basta binigay ng GAB yung lisensya ko. Pinagtrabahuhan ko talaga siya, pinaghirapan ko.”

Ang pagbabalik ng 27-anyos na basketball player ay nangyari mahigit isang taon matapos siyang masuspinde sa liga kaugnay ng insidente ng pamamaril sa Laguna na nagresulta rin sa pagbawi ng kaniyang lisensya ng GAB.

Mantra ni Alex Eala: ‘Wag magduda!

KAUGNAY NA BALITA: PBA player John Amores sumuko sa pulisya; nahaharap sa kasong ‘attempted murder?'

Noong Hulyo 9 nang kumalat sa social media ang  pagbabalik ni Amores sa liga matapos siyang papirmahin ng kontrata ng Titan Ultra para sa nalalabing bahagi ng Season 50 ng Governors’ Cup. 

Bago pa man ang opisyal na pagpirma sa kontrata, regular nang dumadalo si Amores sa mga ensayo ng Titan Ultra noong offseason bilang bahagi ng kaniyang pagsubok na makabalik sa koponan. 

KAUGNAY NA BALITA: John Amores na dating namaril, nagbabalik-PBA!