July 21, 2026

Home BALITA National

Mayor Isko, inanunsyo bagong rally sa Liwasang Bonifacio sa Biyernes!

Mayor Isko, inanunsyo bagong rally sa Liwasang Bonifacio sa Biyernes!
Photo courtesy: Manila Public Information Office, MB

Inanunsyo ni Manila City Mayor Isko Moreno Domagoso na may ikakasang bagong kilos-protesta sa Liwasang Bonifacio, Manila, sa darating na Biyernes, Hulyo 10, 2026. 

Matatandaang katatapos lang ng ikinasang kilos-protesta ng religious group na Iglesia ni Cristo sa Liwasang Bonifacio noong Hulyo 2, 2026, matapos silang hindi makakuha ng permiso na ituloy ang ikatlong araw sana nilang pagkilos sa EDSA People Power Monument sa Quezon City na sinimulan nila noong Hunyo 30, 2026. 

KAUGNAY NA BALITA: INC, nagtataka bakit kakasuhan si Marcoleta

Sa naging anunsyo naman ni Mayor Isko sa programa niyang Yorme’s Talk to the People nitong Huwebes, Hulyo 9, sinabi niyang meron daw na magaganap na rally sa naturang lugar sa darating na Biyernes. 

“Tomorrow, may konti lang akong paalala. I don’t know kung nakapanood kayo ng command conference namin kanina, baka mag-abiso na rin kami mamaya sa MTPD…” pagsisimula niya. 

National

VP Sara, makakatakbong Pangulo hangga't 'di guilty—Comelec

Dagdag pa niya, “Meron pong magaganap na rally sa Liwasang Bonifacio bukas.” 

Ani Mayor Isko, umaasa raw siya na magiging maayos ulit ang rally sa Liwasang Bonifacio kagaya sa resulta ng naging pagkilos ng INC. 

“Naggagayak na po ang inyong lungsod… Sana naman maging maayos muli ‘yong nasabing rally tomorrow sa Liwasang Bonifacio,” pagtatapos pa niya. 

Samantala, wala namang binanggit na partikular na grupo si Mayor Isko na magsasagawa ng kilos-protesta sa naturang lugar. 

Ngunit ayon sa inilabas na impormasyon ng ilang mga media, partikular ng DZRH News, nito ng Huwebes, sinabi nilang isa raw Interfaith Rally Against Corruption ang ikakasa ng grupong United People’s Initiative (UPI). 

Nakatakda umano itong magsimula sa ganap na 3:00 ng hapon hanggang sa 11:00 ng gabi. 

KAUGNAY NA BALITA: Tindig Pilipinas, kinuwestiyon ang INC rally