July 06, 2026

Home BALITA

PNP Senate Task Group, ikinasa para sa impeachment trial ni Sara Duterte

PNP Senate Task Group, ikinasa para sa impeachment trial ni Sara Duterte
Photo courtesy: PNP


Aktibo na ang binuong Senate Task Group para sa isasagawang impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte ngayong Lunes, Hulyo 6, batay sa ulat na ibinahagi ng Philippine National Police (PNP).

Ayon sa PNP, ang nasabing task group ay binubuo ng 3,250 pulis na ipadadala upang bantayan ang “key areas” na nakapalibot sa Senado; habang 2,900 Civil Disturbance Management personnel naman ang nakaantabay bilang “standby” para sa anila’y “immediate augmentation” kung kakailanganin man ng sitwasyon.

Anang ahensya, ang Senate Task Group ay eksklusibong binuo upang bantayan ang mga kaganapan bago, habang, at matapos isagawa ang impeachment proceedings laban sa Pangalawang Pangulo.

Maliban pa rito, kasado na rin ang mga karagdagang CCTV at pagpapatupad ng rerouting plans kaugnay sa paglilitis kay VP Sara.

MAKI-BALITA: PNP, handa na sa impeachment trial ni VP Sara!-Balita

Samantala, inanunsyo naman ng National Capital Region Police Office (NCRPO) nitong Lunes, Hulyo 6, na sila ay naka-full alert status na sa kasalukuyan, kasunod ang nasabing impeachment trial.

“This proactive measure aims to maintain continuous security coverage, rapid response capability, and stable peace and order amid anticipated movements and possible legal developments,” saad ng NCRPO.

MAKI-BALITA: NCRPO, 'full alert status' sa pagsisimula ng impeachment trial ni VP Sara-Balita