July 09, 2026

Home BALITA National

Opinyon ni PBBM sa impeachment trial, walang halaga—VP Sara

Opinyon ni PBBM sa impeachment trial, walang halaga—VP Sara
Photo courtesy: File Photo, PCO

Tumirada si Vice President Sara Duterte kaugnay sa naging opinyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., na mas maganda raw kung direktang sasagutin ng nauna ang mga alegasyong laban sa kaniya sa Senate impeachment trial. 

Matatandaang inihayag ng Pangulo noong Linggo, Hulyo 5, 2026, na mas magiging maliwanag at madali raw ang proseso ng impeachment trial kung diretsong sasagot si VP Sara at hindi sa pamamagitan ng kaniyang mga abogado. 

“Of course, it would be much easier to get to the bottom of everything if you can speak to the accused directly, if the accused can answer directly, not through secondary channels, not through the lawyers,” aniya. 

KAUGNAY NA BALITA: Kung siya raw ang accused: PBBM, personal na dadalo sa impeachment trial!

Sa inilabas naman na pahayag ni VP Sara sa kaniyang Facebook post nitong Lunes, Hulyo 6, sinabi niyang wala raw halaga ang opinyon ng Pangulo sa proseso ng impeachment trial. 

National

VP Sara dedma sa impeachment trial, nagtanim ng puno!

Diin ng Pangalawang Pangulo, pinapangunahan naman daw ng Konstitusyon at due process ang paggulong ng impeachment trial at may karapatan daw ang bawat respondents na pangatawanan ng kanilang mga abogado.

“[T]he decision to personally testify is a matter of legal strategy and constitutional rights,” aniya pa. 

Photo courtesy: VP Sara Duterte. 

Dagdag pa niya, “Choosing to appear through counsel rather than testify personally does not diminish accountability or imply a lack of transparency.” 

Saad ni VP Sara, nakadepende raw ang integridad ng isang impeachment trial sa pagsunod ng isang respondents sa ipinag-uutos ng batas kung personal daw nilang sasagutin ang mga alegasyong laban sa kanila. 

Pagpapatuloy ni VP Sara, dapat daw na sinasarili na lang ng isang public official ang kanilang personal na opinyon at sa halip ay sumunod sa batas, magsulong ng mga polisiya, scientific evidence, at mga objective facts na tumatalakay sa pampublikong problema. 

“At all times, public officials are best served by keeping their personal opinions to themselves and relying instead on the law, established policies, scientific evidence, and objective facts when addressing matters of public concern,” pagtatapos niya. 

Samantala, habang sinusulat ito, wala pa namang inilalabas na bagong pahayag, tugon, o reaksyon si VP Sara kaugnay rito. 

KAUGNAY NA BALITA: VP Sara, nag-church visit sa Cebu; isa sa mga dasal pag-uwi ni FPRRD sa bansa