July 16, 2026

Home SHOWBIZ Musika at Kanta

P-Pop girl group BINI, ‘tourism ambassadors’ na ng Pilipinas!

P-Pop girl group BINI, ‘tourism ambassadors’ na ng Pilipinas!
Photo courtesy: Mark Balmores (MB)

Opisyal nang idineklara ng Department of Tourism (DOT) ang Nation’s Girl Group, BINI, bilang “tourism ambassadors” ng Pilipinas. 

Ang BINI ay inanyayahang bumisita sa DOT Central Office nitong Biyernes, Hulyo 3, kung saan, pinag-usapan ang posibleng partnerships at promotions upang maibida ang travel destinations Pilipinas. 

Ang panibagong milestone na ito ay kasunod ng pagrepresenta ng BINI sa Coachella Valley Music and Arts Festival 2026 noong Abril, kung saan, sila ang kauna-unahang nagwagayway ng watawat ng Pilipinas sa global stage na ito. 

KAUGNAY NA BALITA: BINI Aiah sa pagtuntong sa Coachella: 'Our younger selves are so happy!'

KAUGNAY NA BALITA: ‘Kaninong panaginip ‘to?’ BINI Sheena, hindi makapaniwala sa susunod nilang milestone

Musika at Kanta

SB19, Ben&Ben, iba pang OPM artists nagpasiklab sa Araneta!

Matatandaang noon ding Abril, nag-guest din ang BINI sa Grammy Museum at tinanggap din ang parangal na “Global Force Award” sa Billboard Women in Music 2026.

MAKI-BALITA: ‘Mabuhay ang musikang Pilipino!’ BINI, tinanggap parangal na ‘Global Force Award’ sa Billboard Women in Music 2026