July 23, 2026

Home BALITA Metro

'Peaceful assembly' ng INC sa Liwasang Bonifacio, hindi kailangan ng permit–Manila LGU

'Peaceful assembly' ng INC sa Liwasang Bonifacio, hindi kailangan ng permit–Manila LGU
Photo courtesy: MCDRRMD - GIS via Manila PIO (FB)

Inanunsyo ng Manila local government unit (LGU) na hindi kinakailangan ng religious group na Iglesia ni Cristo (INC) ng permit upang isagawa ang kanilang malawakang kilos-protesta kasunod ng nakatakdang pagsasampa ng Ombudsman ng kasong plunder laban kay Sen. Rodante Marcoleta kaugnay ng umano’y ₱75 milyong campaign donations. 

KAUGNAY NA BALITA: INC, nagtataka bakit kakasuhan si Marcoleta

KAUGNAY NA BALITA: Ang kasalanan ko lang ay paglingkuran kayo—Marcoleta

Batay sa pahayag ni Manila City Administrator, Atty. Eduardo “Wardo” P. Quintos XIV, noong Miyerkules, Hulyo 1, dahil kinokonsiderang “freedom park” ng Liwasang Bonifacio, malaya ang INC na magdaos ng kanilang rally dito. 

“Liwasang Bonifacio is a government-designated Freedom Park. As such, the Iglesia ni Cristo (INC) does not need to secure a permit to assemble peacefully in the area,” ani Quintos. 

Metro

Ilog sa Antipolo, ‘bumula’ matapos tapunan ng pinaglabahang tubig!

Sa kabilang banda, inihayag naman ng maraming netizens ang kahilingan nilang hindi magdulot ng abala sa daan ang kilos-protestang ito sa mga lugar na malapit sa Liwasang Bonifacio, partikular sa mga sasakyan at commuters na gagamit ng kalsada. 

“Just make sure they stay within the area where a permit is not needed.”

“Atty. Wardee, if that is the case, we are expecting you will not allow any assembly or obstruction outside the Liwasang Bonifacio area. Please ensure that the traffic situation will not be disturbed for workers to report on time and students to go to school early.”

“Only the area covering the Liwasang Bonifacio is designated as the freedom park but not the perimeter areas. No parking must then be allowed within the perimeter as well as rally participants going beyond the Liwasang Bonifacio, they would cause obstruction to pedestrians and the flow of traffic. Outside Liwasang Bonifacio, they need rally permit 'coz it's no longer part of the freedom park.”

“sana maliwanag na bawal mga sasakyan nilang i park sa kalsada para hindi traffic at nakakaabala sa mga taong nagtatrabaho at nagbabayad ng tax”

“Yung liwasan oo pero yung humarang kayo sa kalsada yun ang mali”

KAUGNAY NA BALITA: ‘Wala akong kakaba-kaba!’ Yorme, panatag kapag INC nagkilos-protesta