July 26, 2026

Home BALITA National

Leviste sa pag-okray ng QC sa INC rally: 'I'm thankful to Manila!'

Leviste sa pag-okray ng QC sa INC rally: 'I'm thankful to Manila!'
Photo courtesy: Leandro Leviste (FB)

Nagpapasalamat si Batangas 1st District Rep. Leandro Leviste sa pagiging libre at bukas ng Liwasang Bonifacio, Manila, para sa pagkakasa ng mga miyembro ng religious group na Iglesia Ni Cristo (INC) ng kanilang ikatlong araw ng kilos-protesta laban sa korapsyon. 

Matatandaang umaga noong Martes, Hunyo 30, 2026, nang magsimulang magkasa ng surprise protest ang naturang religious group sa EDSA People Power Monument sa Quezon City hanggang Miyerkules, Hulyo 1. 

Samantala, hindi naman na pinagbigyan ng Quezon City Department of Public Order and Safety (DPOS) ang plano pa sanang magkasa ng INC ng kanilang ikatlong araw na kilos-protesta dahilan para lumipat silang Liwasang Bonifacio nitong Huwebes, Hulyo 2.

KAUGNAY NA BALITA: INC, nagtataka bakit kakasuhan si Marcoleta

Sa naging pahayag naman ni Leviste sa pagdalo niya sa kilos-protesta ng INC sa Liwasang Bonifacio nitong Hulyo 1, sinabi niyang nagpapasalamat daw siya sa siyudad ng Maynila dahil sa pagkakaroon nito ng lugar kung saan libre ang pagsasagawa ng rally.

National

Sen Alan, tinalakang 'ang ingay, dakdak nang dakdak' sa FB live niya

“Well, I’m thankful to the City of Manila na meron tayong freedom park kung saan, sabi nga nila, hindi kailangan ng permit,” pagsisimula niya. 

Ani Leviste, mahalaga raw ang pagkakaroon ng mga pampublikong parke, partikular ng Liwasang Bonifacio, para ipakita raw ang tunay na kahulugan ng demokrasya. 

“Ito ay importante para sa isang tunay na demokrasya para sa buong bansa. Na dito sa City of Manila, may mga parks katulad ng Liwasang Bonifacio,” aniya. 

Depensa ni Leviste, hindi lang daw para sa interes ng iilan ang sinisigaw na panawagan ng INC kundi para na rin daw ito sa buong Pilipinas at lahat ng mga Pilipino. 

“What they are fighting for is not only for the interest of a few, but the interest of the whole country. It’s also meaningful that they represent people from all of the provinces in the country. Ito na po ay para sa lahat ng Pilipino,” ‘ika niya. 

Paliwanag naman ni Leviste, nakikiisa daw siya sa panawagang “transparency and accountability for better democracy” ng INC kahit hindi niya miyembro ng naturang religious group. 

“Tayo naman, bilang hindi members ng INC, ay nakikiisa din sa kanilang panawagan para sa transparency and accountability for better democracy,” saad niya. 

KAUGNAY NA BALITA: 'Para sa lahat ng Pilipino!' Leviste, nakiisa sa 'surprise rally' sa EDSA

KAUGNAY NA BALITA: Tinatayang 500 raliyista sa balwarte ni Rep. Leviste, dumugtong sa INC rally