July 03, 2026

Home BALITA National

House Prosecution Panel, 'very much ready' sa impeachment vs VP Sara!—Rep. Luistro

House Prosecution Panel, 'very much ready' sa impeachment vs VP Sara!—Rep. Luistro
Photo courtesy: MB FILE PHOTO

Inihayag sa publiko ni House lead prosecutor at Batangas 2nd District Rep. Gerville Luistro na handang handa na raw ang House prosecution panel para sa nakatakdang Impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte. 

Sa naging pahayag ni Luistro sa panayam sa kaniya ng media nitong Huwebes, Hulyo 2, 2026, tila buong kumpiyansa niyang sinabing “very much ready” na ang House prosecution team magmula pa raw noong ika-19th Congress. 

“We are very much ready. As a matter of fact, 19th Congress pa tayo naghahanda,” pagsisimula niya. 

Pagpapatuloy ni Luistro, natitiyak daw niya sa publiko na handa ang lahat ng mga miyembro ng House prosecution panel at private prosecutors laban sa kampo ni VP Sara. 

Nakatakda na kasing magsimula ang Senate Impeachment Trial laban sa Pangalawang Pangulo sa darating na Lunes, Hulyo 6, 2026. 

National

Sen. Robin: Ako ang sarap na ng buhay ko, ang ganda at bata 'yong asawa ko, pero nagtitiis ako para sa inyo

“I can honestly tell the Filipino people, the House prosecutors and the private prosecutor are all ready as we started the impeachment trial this coming July 6,” pagtatapos pa niya. 

Matatandaang nahaharap si VP Sara sa mga alegasyong kaugnay sa paggamit niya ng confidential funds na aabot sa mahigit ₱500 milyon sa Office of the Vice President at ₱112.5 milyon naman nang tumayo siya bilang Kalihim sa Department of Education (DepEd). 

Idagdag pa umano ang hindi maipaliwanag na yaman at kabiguang maihayag ng Pangalawang Pangulo ang kaniyang Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (SALN). 

Bukod pa rito, nahaharap din si VP Sara sa malala umanong krimen dahil sa naging pagbabanta niya sa buhay nina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., First Lady Liza Marcos, at dating House Speaker Martin Romualdez. 

KAUGNAY NA BALITA: 'Mga sabi-sabing walang ebidensya Prosecution, 'di totoo!'—Rep. Ridon

KAUGNAY NA BALITA: Sen. Bato, aarestuhin ng PNP, 'pag sumipot sa impeachment trial ni VP Sara