July 23, 2026

Home BALITA Metro

'What do you want?' PNP, pumalag sa batikos na malambot sila sa INC rally

'What do you want?' PNP, pumalag sa batikos na malambot sila sa INC rally
Photo courtesy: MB FILE PHOTO

Pinalagan ng Philippine National Police (PNP) ang mga batikos sa kanila hinggil sa umano’y pagiging malambot daw nila sa isinasagawang kilos-protesta ng mga miyembro ng Iglesia Ni Cristo (INC) sa EDSA.

Sa press briefing ni PNP Spokesperson Allen Rae Co, iginiit niyang ang kanilang pag-aksyon sa dalawang araw na protesta ng INC ay nakabatay sa direktang ibinaba lamang daw sa kanila.

“Hindi mo masasabi na malambot o malamya ang aming deployment,” ani Co.

Saad pa niya, “Sala sa init, sala sa lamig. What do you want ba? Yung aggressive na pulis? O yung maximum tolerance?”

Paliwanag pa ni Co, mismong si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., ang nagbigay umano ng direktiba sa kanila hinggil sa pagpapatupad ng maximum tolerance.

Metro

Ilog sa Antipolo, ‘bumula’ matapos tapunan ng pinaglabahang tubig!

“Directly coming from the President himself, 'We should observe maximum tolerance at all times.' So that's what the order of our chief PNP na maximum tolerance po ang ating kapulisan,” giit pa niya.

Matatandaang noong umaga ng Martes nang bumulaga sa EDSA ang libo-libong miyembro ng INC upang ipagprotesta ang kasong kinahaharap ng INC senator na si Sen. Rodante Marcoleta at gayundin ang kanila umanong paghingi ng “transparency at accountability” sa pamahalaan.

Ang kasong iniuugnay kay Marcoleta ay tungkol sa umano’y tinanggap nitong ₱75-million campaign donation noong 2025 elections. 

KAUGNAY NA BALITA: ALAMIN: Ano ang plunder at bakit nagitgit si Sen. Marcoleta sa kasong ito?

Sa pahayag na binasa ni INC Spokesperson Edwil Zabala, nagtataka umano sila kung bakit kakasuhan si Marcoleta gayong ito ang nagsiwalat ng mga sangkot sa maanomalyang flood control projects.

KAUGNAY NA BALITA: INC, nagtataka bakit kakasuhan si Marcoleta

Sa kasalukuyan, hanggang nitong Biyernes na lamang, Hulyo 1 ang permit na mayroon ang INC upang ipagpatuloy ang kanilang kilos-protesta.

Sa kabila nito, aminado ang pulisya na hindi umano sila sigurado kung magtatapos ang naturang demonstrasyon sa EDSA ngayong araw.