July 07, 2026

Home BALITA National

Polisiyang nagbabawal ng gadgets sa classes hour, umiiral na—DepEd

Polisiyang nagbabawal ng gadgets sa classes hour, umiiral na—DepEd
File Photo

Ipinaalala sa publiko ng Department of Education (DepEd) na matagal na raw umiiral ang polisiyang nagbabawal sa paggamit ng gadgets sa loob ng oras ng klase sa bawat mga paaralan. 

Sa inilabas na pahayag ng DepEd sa kanilang Facebook page nitong Miyerkules, Hulyo 1, 2026, idiniin nila ang naturang polisiya para sa mga mag-aaral, magulang, at school personnel. 

Anila, bawal matagal na raw na ipinagbabawal ang paggamit ng mga mag-aaral at maging ng mga school personnel sa loob ng silid aralan sa gitna ng instructional hours o klase. 

“Pinapaalalahanan ng DepEd ang lahat ng mag-aaral, magulang, at school personnel na may umiiral nang polisiya na nagbabawal sa paggamit ng gadgets ng mga mag-aaral at school personnel habang may klase o sa panahon ng instructional hours,” pagsisimula nila.

Photo courtesy: DepEd.

National

Atty. Chel, parang isang samurai sa debatehan—Llamas

Saad ng DepEd, maaari lang makagamit ang mga estudyante at school personnel ng mga gadget kung gagamitin ito para sa pang-edukasyunal na layunin at sa oras ng emergency o mga hindi inaasahang pangyayari. 

Alinsunod umano ito sa DepEd Order No. 006, serye nitong 2026, at kilala rin bilang Guidelines on Ensuring Safe and Motivating Learning Environment (ESMLE).

“Pinapayagan lamang ang paggamit ng mga ito kung para sa layuning pang-edukasyon o sa oras ng emergency, alinsunod sa DepEd Order No. 006, s. 2026 o ang Guidelines on Ensuring Safe and Motivating Learning Environment (ESMLE),” ‘ika nila. 

“Hinihikayat ang mga paaralan na palakasin ang information at advocacy campaigns upang matiyak ang tamang pagsunod sa polisiya at maisulong ang ligtas at responsableng paggamit ng internet at gadgets,” pagtatapos pa nila. 

Matatandaang inanusyo sa publiko ni Dumanjug, Cebu, Mayor Gungun Gica noong Hunyo 28, 2026, ang pag-uutos niya sa lahat ng mga school heads at district supervisors sa kanilang munisipalidad na ipatupad ang pagbabawal ng paggamit ng cellphone ng mga bata sa mga paaralan tuwing school hours. 

Aniya, nakatakda raw kumpiskahin ng mga paaralan ang dadalhing cellphone o gadgets ng mga bata at ibabalik na lang ito sa pagtatapos ng taong-panuruan o school year.

KAUGNAY NA BALITA: Bayan sa Cebu, ipinagbawal pagdadala ng cellphones ng mga estudyante!

KAUGNAY NA BALITA: Usec. Castro, tagilid sa total phone banning sa mga paaralan ng Alkalde sa Cebu!