Tumirada si dating AnaKalusugan Partylist Rep. Mike Defensor laban kay National Bureau of Investigation (NBI) Director Melvin Matibag sa pamamagitan ng paglalahad sa publiko ng mukha niyang nakasalpak sa katawan ng Pug na isang breed ng aso.
Kaugnay ito sa isinumiteng non-bailable na qualified human trafficking case ng NBI noong Biyernes, Hunyo 26, 2026, laban kay Defensor, kaniyang misis na si Julie Rose Defensor, at kanilang mga anak na sina Michaela at Miguel Gabriel Defensor.
Sa naging sagot naman ni Defensor sa kaniyang Facebook post nitong Sabado, Hunyo 27, makikita ang ni Artificial Intelligence (AI) generated na larawan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., habang yakap ang asong Pug na may mukha ni Matibag.
“GOOD JOB, MATI-PUG!” pagsisimula niya, “Nag-file na [kahapon] si [Mati-Pug] ng [non-bailable] na [kaso] laban sa akin at sa aking pamilya!”
Screenshot mula sa post ni Defensor.
Ani Defensor, kasama raw sa sinampahan ng kaso ng NBI maging ang kaniyang buntis na anak at Corporate Secretary lang daw na si Michaela.
Buwelta ni Defensor, mas mauuna pa raw siyang makulong kumpara sa umano’y mga nagnakaw sa kaban ng bayan dahil agresibo raw ang NBI sa mga kagaya niyang nagsasalita laban sa korapsyon.
“[Mauna] pa akong [makulong] kaysa sa mga [kurakot] na [nagnakaw] sa ating [bayan]. Kahit [isa], wala pang [napakulong] ang NBI sa [nakawan], pero sa mga [nagsasalita] laban dito ay [agresibo] si [Mati-Pug]!” patutsada niya.
Pagpapatuloy ni Defensor, pananampalataya na lang daw sa Diyos at hinaing niya sa publiko ang kaniyang mga pinanghahawakan ngunit hindi raw siya uurong at mananahimik sa kabila ng non-bailable case na isinampa laban sa kanila.
“Ang aking [pananampalataya] sa [Diyos] at ang [hinaing] ng ating mga [kababayan] ang aking [tanging pinanghahawakan]. Hindi ako [uurong]! Hindi ako [tatahimik]!”
Samantala, habang sinusulat ito, wala pa namang inilalabas na pahayag, tugon, o reaksyon si Matibag kaugnay rito.
KAUGNAY NA BALITA: Matibag sa pagtawag ni Defensor na 'bobo' at 'tanga': 'Very unfair naman!'
KAUGNAY NA BALITA: Mag-ina ni Mike Defensor, kinasuhan ng human trafficking ng NBI!