July 25, 2026

Home BALITA National

Matibag sa pagtawag ni Defensor na 'bobo' at 'tanga': 'Very unfair naman!'

Matibag sa pagtawag ni Defensor na 'bobo' at 'tanga': 'Very unfair naman!'
Photo courtesy: MB File Photo, Mike Defensor

Idiniin ni National Bureau of National Investigation (NBI) Director Atty. Melvin Matibag na hindi raw patas ang direktang pagtawag sa kaniya ni dating Anakalusugan Partylist Rep. Mike Defensor na “bobo” at “tanga.” 

Matatandaang kinasuhan ng NBI ang misis ni Mike na si Julie Rose at anak niyang si Miguel Gabriel Defensor noong Abril 24, 2026, kaugnay sa kasong human trafficking at possession of illegal drugs.

Nag-ugat ang mga reklamo matapos ang naging pagsalakay ng NBI sa isang disco bar kung saan nasagip nila ng 54 na kababaihang sinasabing binibiktima umano ng modus nilang sexual exploitation.

KAUGNAY NA BALITA: Mag-ina ni Mike Defensor, kinasuhan ng human trafficking ng NBI!

Sa tirada naman ni Defensor sa kanyang Facebook live noong Miyerkules, Hunyo 24, dinepensa niyang hindi lang naman daw siya ang may-ari ng mga establisyementong ni-raid ng NBI sa loob ng compound ng CW Home Depot compound sa Pasig City. 

National

Sen. Ping 'happy' sa big win nina Sen. Kiko, Sen. Bam noong 2025 elections!

“Itong sinasabi na meron daw akong kinalaman sa human trafficking, ang basic na sinasabi nila, dahil kami ang may-ari nitong establishment na ito ay involved na kami sa ganoong human trafficking,” aniya. 

Patutsada pa ng dating mambabatas, “Huwag po kayong maniniwala kay Atty. Melvin Matibag dahil po ‘yan ay bobo. Tanga po ‘yan. Hindi niya alam ang kaniyang ginagawa.” 

Sa naging tugon naman ni Matibag sa isinagawa niyang press conference nitong Huwebes, Hunyo 25, idiniin niyang iniimbestiagahan naman daw lahat ng NBI ang mga ebidensyang dumarating sa tanggapan nila. 

Ani Matibag, narinig na niya ang batikos sa kaniya ni Defensor at binuwelta niyang wala na raw masabing pangontra ang dating mambabatas kaya iyon na lang daw ang inatake nito sa kaniya. 

“Narinig ko rin po ang sinabi niyang strong words. Alam po ninyo, simple lang naman ‘yan. Kapag ‘yong argumento, wala kang masasabi na pangkontra o contradicting doon sa malinaw na ebidensya. Ang gagawin mo, sasabihan mo na lang ng bobo at tanga ang isang tao,” aniya. 

Patutsada ni Matibag, ang tawaging “bobo” at “tanga” na lang daw ang pinakamadaling sabihin ng mga kagaya ni Defensor para pawalan ng bisa ang bigat nga mga ebidensya laban sa kaniyang misis at anak. 

Paliwanag ni Matibag, hindi naman daw patas, lalo na sa NBI, na tawaging katangahan at kabobohan ang paglalabas nila ng matibay na ebidensya. 

“Ito pong produktong pag-iimbestiga ng NBI, very unfair naman na tawaging kabobohan at katangahan ang NBI na naglabas ng mga dokumentong matitibay,” ‘ika niya. 

“Ang nakikita kong kabobohan at katangahan sa pangyayaring ito ay ‘yong tinatago mo ang iyong pamilya sa ilegal na gawain,” pagtatapos pa niya. 

Samantala, habang sinusulat ito, wala pa namang inilalabas na bagong pahayag, tugon, o reaksyon si Defensor kaugnay rito.

KAUGNAY NA BALITA:Kampo ni Mike Defensor, balak magsampa ng 'harassment complaint,' laban kay NBI Dir. Matibag