July 13, 2026

Home BALITA National

Ateneo, sumuporta sa dawit na ball boys at student managers!

Ateneo, sumuporta sa dawit na ball boys at student managers!
Photo courtesy: MB FILE PHOTO

Naglabas ng pahayag ang Ateneo de Manila University kaugnay sa pagrerekomenda ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ng Philippine National Police (PNP) ng kaso sa Department of Justice (DOJ) laban sa 11 indibidwal na dawit pagkalunod ng student athletes na sina Rene Clert Baterbonia at Divine Adili. 

Matatandaang Hunyo 8, 2026, nang inanunsyo mismo ng ADMU ang insidente ng pagkalunod nina Baterbonia at Adili sa ikinasang team building ng Ateneo Blue Eagles sa Dipaculao, Aurora. 

KAUGNAY NA BALITA: 'Is it just a team building?' Netizens, umalma sa pagkalunod nina Baterbonia at Adili!

Narito ang 11 listahan ng pangalan ng mga indibidwal na inirekomendang imbestigahan at kasuhan ng PNP-CIDG sa DOJ noong Biyernes, Hunyo 26, 2026:

Thomas Anthony Baldwin - Head Coach

National

#WalangPasok: Class suspensions sa Lunes, July 13

Grant Dearns - Strength and Conditioning Coach

Ceasar Vincent Javellana Elumba - Strength and Conditioning Coach

Dean Caesar B. Castaño - Assistant Coach

Sandro Nicholas Romero Soriano - Assistant Coach

Reynaldo C. Jacinto Jr. - Assistant Coach

Paolo Manuel Maceda Adevoso - Student Manager

Andrew Lorenzo Bondoc Salud - Student Manager

John Eric Quiambao Rueca - Physical Therapist

Aris Ramos Pronce - Utility / Ball Boy

Joel Palmiano Rapa - Utility / Ball Boy

Sa inilabas na pahayag ng ADMU sa kanilang Facebook page noong gabi ng Biyernes, Hunyo 26, ibinahagi nila sa publiko ang pagkabahala ng kanilang student managers at utility staff na dawit sa inilatag na mga pangalan ng PNP-CIDG. 

Kabilang na raw dito ang pag-aalala nina Adevoso, Salud, Proce, at Rapa na pawang mga student manager at utility staff o ball boy ng koponan ng Ateneo Blue Eagles. 

Photo courtesy: ADMU 

Anang ADMU, nag-alok na raw sila ng pagbibigay ng wastong suporta para sa mga nabanggit at pamilya ng mga ito sa pagdaan nila sa legal na proseso habang nirerespeto ang karapatan ng bawat indibidwal na humarap nang mag-isa sa alegasyong laban sa kanila. 

“Recognizing the unique circumstances and needs of those affected, the University has reached out to them and their families to offer appropriate support and accompaniment throughout the legal process, while respecting that each respondent's rights and interests must be represented independently,” anila. 

Pagpapatuloy ng pamantasan, higit daw na inaalala nila ang kalagayan ng kanilang mga estudyante at staff pati na rin ang hangarin nilang makapagbigay ng wastong suporta sa kanilang mga kawani. 

“Our foremost concern is the welfare of our students and staff, and the assurance that each of them receives the support, fairness, and due process they deserve,” pagtatapos pa nila. 

KAUGNAY NA BALITA: Team building ng Ateneo sa Aurora, basehan lang kung sinong isasama sa final line-up—DILG

KAUGNAY NA BALITA: 'Team manager wala?' Netizens, inalmahan pagdawit sa ball boys na kakasuhan sa Ateneo