July 24, 2026

Home BALITA National

Father's Day post ni Sen. Jinggoy kay Erap: 'Mga aral at gabay, patuloy na pinahahalagahan!'

Father's Day post ni Sen. Jinggoy kay Erap: 'Mga aral at gabay, patuloy na pinahahalagahan!'
Photo courtesy: Jinggoy Estrada (FB)

Nagbigay ng espesyal na pagpupugay si Sen. Jinggoy Estrada sa kaniyang amang si dating Pangulong Joseph “Erap” Estrada kasabay ng pagdiriwang ng Father’s Day nitong Linggo, Hunyo 21.

Sa isang social media post na inilabas ng kaniyang tanggapan, kinilala ni Jinggoy ang mahalagang papel ng mga ama bilang haligi ng tahanan at pinagkukunan ng lakas at inspirasyon ng pamilya.

“Sa araw na ito, inaalala at pinaparangalan ko rin ang aking ama, ang ating dating pangulo Joseph Ejercito ‘Erap’ Estrada, na naging huwaran ng pagmamahal, sakripisyo, at katatagan para sa aming pamilya. Ang mga aral at gabay na kanyang ibinigay ay patuloy naming pinahahalagahan hanggang ngayon,” ani Jinggoy.

Nagpasalamat din ang senador sa lahat ng ama para sa kanilang pagmamahal, sakripisyo at walang sawang paggabay sa kanilang mga anak at pamilya.

Ipinagdiinan sa post na ang nasa likod nito ay "admin" na namamahala sa kaniyang Facebook page, dahil kasalukuyang nakakulong ang senador dahil sa kinahaharap na ikatlong plunder case.

National

US Pres. Trump, ipapaalam kay Chinese Pres. XI Jinping 'concerns' ng Pilipinas—Palasyo

Matatandaang malaki ang impluwensiya ni Erap sa buhay at karera ni Jinggoy, na tulad ng kaniyang ama, ay pumasok din sa mundo ng pulitika matapos maging bahagi ng industriya ng showbiz.

Hindi rin lingid sa publiko na kapwa nakaranas ng mabibigat na legal na hamon ang mag-ama.

Noong 2001, lumutang ang mga alegasyon kay Sen. Jinggoy kasama ng kaniyang ama hinggil sa ₱545 milyong protection money mula umano sa jueteng operators. Naugnay din sa senador ang ₱130 milyong tobacco excise tax sa Ilocos Sur at pagtanggap umano ng ₱189.7 milyong kickback mula sa Belle Corp.

Noong 2014, muling nasangkot sa plunder case si Sen. Jinggoy kabilang ang 11 counts of graft at direct and indirect bribery kaugnay ng maaanomalyang paggamit ng ₱183 milyong Priority Development Assistance Fund (PDAF) scam.

Setyembre 2014 nang tuluyan siyang naaresto subalit taong 2017 nang tuluyan siyang makapagpiyansa at makalaya. Habang noong 2024 nang tuluyang i-acquit ng Sandiganbayan ang kasong plunder laban sa kaniya ngunit na-convict naman siya sa one count of direct bribery and two counts of indirect bribery. At noong Agosto 2024 nang tuluyan siyang na-acquitt sa Special Fifth Division matapos siyang maghain ng motion for reconsideration.

Maki-Balita: ALAMIN: Ang tatlong plunder cases na tumira kay Sen. Jinggoy

Samantala, si Erap ay naharap din noon sa kasong plunder matapos siyang mapatalsik sa puwesto bilang pangulo noong 2001. Nagsimula ang krisis sa kaniyang administrasyon sa gitna ng impeachment proceedings laban sa kaniya. Nang hindi naituloy ang pagbubukas ng isang kontrobersyal na ebidensiya sa impeachment trial, sumiklab ang malawakang kilos-protesta na kalauna’y nakilala bilang EDSA People Power II.

Bunsod nito, napatalsik si Estrada sa pagkapangulo at pinalitan ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo, na noon ay Pangalawang Pangulo niya. Noong 2007, nahatulan siya ng Sandiganbayan sa kasong plunder ngunit kalaunan ay pinagkalooban ng executive clemency ni GMA, at nagkaroon ng absolute pardon.

Sa kasalukuyan naman, muling nakulong sa kasong plunder si Sen. Jinggoy.

Maki-Balita: Sen. Jinggoy, umaasa sa patas na trato at due process, dahil sa ikatlong plunder case!