July 16, 2026

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

'Manahimik na lang mga kupal!' Matet De Leon, kumuda sa sawsaw na netizens

'Manahimik na lang mga kupal!' Matet De Leon, kumuda sa sawsaw na netizens
Photo courtesy: Matet De Leon

Binanatan ng aktres na si Matet De Leon ang sumasawsaw na netizens sa mainit na tensyon ng mga kapatid niyang sina Lotlot De Leon at Ian De Leon kaugnay umano sa manang iniwan ng namayapang Superstar at National Artist for Film and Broadcast Arts na si Nora Aunor.

Matatandaang emosyonal na pinuntirya ni Lotlot si Ian isinagawa nilang movie story conference ng drama film nilang “40 Days” noong Biyernes, Hunyo 19, 2026, at idiniin niyang wala raw siya, pati si Matet, na inagaw sa iniwang mana ng inang si Nora Aunor.

“Sa kaniya na lahat. Wala kaming hinihingi, wala akong hinihingi, wala akong inaagaw, walang inaagaw si Matet. He can have it all,” saad ni Lotlot. 

Dagdag pa niya, “Kasi para sa akin, sapat nang matawag kong ‘mommy’ si Nora Aunor, sapat na napalaki ako ng isang superstar, sapat na nabigyan niya ako ng pangalan ni mommy.” 

KAUGNAY NA BALITA: 'He can have it all!' Lotlot, pinatulan si Ian sa manang iniwan ni Nora Aunor

Tsika at Intriga

Dominic, Sue susunod sa kasalang Bea-Vincent?

Sa naging reply naman ni Matet sa komento ng netizen sa kaniyang TikTok post noon ding Biyernes, Hunyo 19, kung saan mapapanood na kinakanta niya ang “Banal Na Aso, Santong Kabayo” ng bandang Yano, sinabi niyang nanahimik daw sila at nasusuka na raw siya sa usapin ng mana. 

“[S]akin lang nmn tama na, sana maresolve privately,” komento ng netizen. 

Direktang sagot naman ni Matet, “Kami ba ang gago? O ang mga tao? Nananahimik kami. Mana ng mana. Nakaka suka naaaaaaa!”

Screenshot mula sa post ni Matet. 

Pagpapatuloy ni Matet, wala raw silang ire-resolve o aayusin sa naturang isyu nila at manahimik na lang daw ang mga “kupal” na nagkokomento sa pinagdaraanan nila. 

“Wala kami ire resolve. Ayoko mag resolve. Manahimik na lang mga kupal na nagco comment na akala eh alam lahat. Ok na yun,” aniya. 

Diin ni Matet, wala raw siyang pakialam sa kapatid na si Ian. 

Samantala, hindi naman na nagkomento muli ang netizen na binanatan ni Matet. 

KAUGNAY NA BALITA: Ian, bumwelta sa patutsada ni Lotlot: 'Enough with the lies? You stop!'