July 23, 2026

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Ian, bumwelta sa patutsada ni Lotlot: 'Enough with the lies? You stop!'

Ian, bumwelta sa patutsada ni Lotlot: 'Enough with the lies? You stop!'
Photo courtesy: Screenshot from fast Talk with Boy Abunda (YT)/Radar PH (FB)

Hindi pinalampas ng aktor na si Ian de Leon ang matitinding banat sa kaniya ng kapatid na si Lotlot De Leon matapos siyang tawaging "sinungaling" kaugnay ng isyu ng pamana at legacy ng kanilang ina na si National Artist Nora Aunor.

Nag-ugat ito sa emosyunal na reaksiyon ni Lotlot sa mga naging pahayag ni Ian sa panayam sa kaniya sa "Fast Talk with Boy Abunda" patungkol naman sa hindi nila pagkakaunawaang magkakapatid, na may koneksyon nga sa mga naiwan ng pumanaw na Superstar.

Hindi na nga nakapagtimpi pa si Lotlot at binuweltahan ang kaniyang kapatid, sa naganap na story conference ng pelikulang "40 Days," kung saan naluha na nga ang aktres at inaming "umuusok" ang kaniyang tenga dahil sa galit, sa mga nasabi ni Ian sa panayam laban sa kanilang magkakapatid.

Batay naman sa Facebook post ni Ian, na iniulat din ng Philippine Entertainment Portal o PEP, sinagot ni Ian ang isyu tungkol sa planong foundation na magdadala ng pangalan ni Nora. Ayon sa aktor, hindi siya tumangging makiisa sa proyekto, ngunit iginiit niyang dapat ayusin muna ang mga legal na dokumento bago ito ilunsad.

Aniya, mino-monitor pa niya noon ang registration ng foundation sa Securities and Exchange Commission (SEC), ngunit wala pa umano itong pormal na approval nang simulang ilunsad at hingan ng suporta ang ilang personalidad.

Tsika at Intriga

Unexpectedly yours! Sen. Robin flinex si Joshua Garcia, pang-asar sa Kakampinks?

Dahil dito, sinabi niyang napilitan siyang maglabas ng pahayag noon upang maprotektahan ang kanilang pamilya laban sa anumang posibleng legal na problema.

“After Mom died, nagmadali kayo magtayo ng foundation kase baka maunahan ng iba? You think SEC will approve random people to put up a foundation using mom's name?" mababasa sa post ni Ian.

"That time, I said I’m not ready to commit dahil gusto kong ayusin muna nila yung legal papers niyan."

“I know the plans and my suggestion to them is that fix the legalities first before launching it."

"Days and days after launching, I was monitoring their SEC registration but it’s still not yet up."

“The staff of a significant figure even informed us that they donated and may nilapitan pa silang isang malaking tao."

"Also the office informed us but they hesitated to donate, which made me post a statement to protect my family in case of any legal problems."

“Gusto nyo akong i-entrap during 1 event to sign something without telling right away what our dinner is all about. That’s why pala you have your lawyers with you.

“Thankfully, this person [asked] us for dinner that I can’t decline.

“The projects/plans for the legacy are the first to come before fixing any legalities and was still a concept at that time. Now, there are issues but the planning are still ongoing."

“I cannot just stop what I’m doing just because of the issues and why am I going to include a person who refuses to cooperate?"

“He never told us anything? So wala na yung Zoom meeting ng dalawang beses sila umattend? Wala na din yung during 40 days na nag-decline ka?

Binanggit din ng aktor ang naging pahayag ni Lotlot na ipinagtatanggol nito sina Matet, Kiko at Ken laban sa umano'y mga kasinungalingan.

“Who put down the siblings? Did you even watch the whole show before reacting?” saad ni Ian.

Idinagdag pa niyang hindi naman siya basta-bastang nagbibigay ng panayam at ang naging guesting niya sa FTWBA ay bahagi lamang ng Father's Day special episode ng programa.

Matindi rin ang naging sagot niya sa paratang na siya umano ang nagsisinungaling.

“Enough with the lies? You stop. You stop telling lies especially to my dad,” ani Ian.

Sa isa pang bahagi ng kaniyang pahayag, iginiit niyang itinuring niya si Lotlot bilang tunay na kapatid at hanggang ngayon ay tinatawag pa rin niya itong "Ate."

Ayon pa kay Ian, matapos ang state funeral ni Nora ay iminungkahi niyang magtulungan ang limang magkakapatid at maging bukas sa isa't isa pagdating sa mga plano at usapin tungkol sa mga naiwan ng kanilang ina.

Gayunman, nagtataka siya kung bakit siya umano ang lumalabas na madamot sa mata ng publiko.

Tinapos ni Ian ang kaniyang mga pahayag sa pagtatanong kung bakit siya inaakusahan ng pang-aagaw gayong hindi naman niya umano kailanman sinabi na may inaagaw ang kaniyang mga kapatid.

"Sino ang may inaagaw? I didn’t say na may inaagaw kayo. Why say that? To put me down?”

Samantala, wala pang reaksiyon, tugon, o pahayag sina Lotlot, Matet, at iba pang kapatid sa mga nabanggit ni Ian.

Maki-Balita: 'He can have it all!' Lotlot, pinatulan si Ian sa manang iniwan ni Nora Aunor