July 23, 2026

Home BALITA

'Syempre kinikilig din!' Sen. Win, tiklop sa shipping ng fandom palapit kay Sen. Risa

'Syempre kinikilig din!' Sen. Win, tiklop sa shipping ng fandom palapit kay Sen. Risa
Photo courtesy; Senate of the Philippines

Inamin mismo ni Senate President Sherwin “Win” Gatchalian na nakakaramdam din daw siya ng kilig tuwing inilalapit siya ng ilang netizens kay Sen. Risa Hontiveros. 

Sini-ship kasi ng ilang netizens sina Gatchalian at Hontiveros sa isa’t isa. 

Sa katunayan, binansagan na nga ang kanilang loveteam bilang “WinRi” na kombinasyon ng kanilang mga pangalan.

Sa naging pahayag ni Gatchalian sa panayam sa kaniya ng isang radio station nitong Biyernes, Hunyo 19, 2026, inurirat ng brodkaster at mamamahayag na si Alvin Elchico ang Senate President tungkol sa nararamdaman nito kaugnay sa paglalapit ng mga tao sa kanila ni Hontiveros. 

“‘WinRi’ po pala ang tawag. Kinikilig kayo na may loveteam kayo, SP?’ udyok ni Elchico. 

2 PH Navy na pinukpok sa ulo ng CCG, makatatanggap ng tig-₱100k!

Ani Gatchalian, aminado raw siya na nakakaramdam din daw siya ng kilig dahil napapalapit daw siya sa isang mahusay na indibidwal kagaya ni Hontiveros. 

“Syempre kinikilig din dahil na-associate ka sa isang magaling na tao,” aniya. 

Patutsada ng mamamahayag, “Parang namumula po kayo, SP.” 

“Kayo talaga,” matipid na sagot ni Gatchalian. 

Matatandaang Enero 2026 nang magbigay ng detalye si Gatchalian sa status ng dating relasyon niya sa beauty queen-actress na si Bianca Manalo. 

“It’s non-existent,” ito na lang ang nasagot ni Gatchalian nang maurirat siya tungkol sa estado ng kaniyang love-life.

Samantala, noon namang Huwebes, naging usap-usapan ng mga netizen ang congratulatory post ni Manalo para sa kaniyang ex-boyfriend na si Gatchalian, matapos na opisyal at pormal na maihalal bilang Senate President, sa ginanap na special session ng Senado noong Miyerkules, Hunyo 17.

“Will forever be proud of you!!!! Well deserved! It's about time! The country needs you!!!” ani Bianca. 

MAKI-BALITA: Bianca Manalo, proud at may pa-congrats sa ex-jowang si SP Win: 'The country needs you!'

Tugon naman ni Gatchalian sa parehong panayam sa kaniya ng isang radio station nito ring Biyernes, pinasalamatan niya si Bianca sa naging pagbati nito at nagpasalamat din siya sa lahat. 

“Nagpapasalamat ako, of course, kay Bianca. Nagpapasalamat din ako sa lahat,” anang SP. 

KAUGNAY NA BALITA: Sen. Risa, umaasang maibabalik ni SP Win ang reputasyon ng Senado