Nagpaabot ng pagbati si Sen. Risa Hontiveros para kay Sen. Win Gatchalian bilang bagong Pangulo ng Mataas na Kapulungan ng Kongreso.
Ito ay matapos dumalo sa ikinasang special session ng Senado ngayong Miyerkules, Hunyo 14, ang isa sa mga miyembro ng Cayetano bloc na si Sen. Joel Villanueva, dahilan para makalikom ng 13 botong pabor kay SP Win.
Sa latest Facebook post ni Sen. Risa nito ring Miyerkules, sinabi niya ang inaasahan niya sa ilalim ng liderato ni SP Win.
Aniya, “Congratulations to our newly elected Senate President, Sherwin Gatchalian.”
“Umaasa ako that under your leadership, maibabalik ang reputasyon ng Senado at kumpiyansa ng taumbayan sa ating institusyon,” dugtong pa ni Sen. Risa.
Pinasalamatan naman ni SP Win si Sen. Risa sa pagbati nito sa kaniya. Komento niya, “Thank you, Senator Risa.”
“You’re welcome, SP!” sagot naman ni Sen. Risa.
Matatandaang sini-ship ng ilang netizens sina Sen. Risa at SP Win sa isa’t isa. Sa katunayan, binansagan na nga ang kanilang loveteam bilang WinRi na kombinasyon ng kanilang mga pangalan.
Maki-Balita: Sen. Win, kinilig matapos i-ship kay Sen. Risa