Naglabas ng bagong pahayag ang Ateneo de Manila University kaugnay sa kasalukuyang pinagdaraanan ng mga kawani ng kanilang Men’s Basketball team.
Matatandaang opisyal na inanunsyo mismo ng ADMU sa kanilang Facebook page ang na mapait na insidente ng pagkalunod ng dalawang student athlete ng Ateneo Blue Eagles na sina Rene Clert Baterbonia at Divine Adili sa ikinasa nilang team building sa Dipaculao, Aurora noong hapon ng Hunyo 8, 2026.
KAUGNAY NA BALITA: 'Is it just a team building?' Netizens, umalma sa pagkalunod nina Baterbonia at Adili!
Sa bagong pahayag ng ADMU sa kanila ring Facebook page nitong Biyernes, Hunyo 19, sinabi nilang patuloy pa rin daw silang sumuporta sa buong mga miyembro ng Ateneo Men’s Basketball Team habang inaalala sina Baterbonia at Adili.
Anila, nakipag-ugnayan sa lumipas na mga araw ang iba pang mga student-athletes, coaches, at staffs nila sa mga mahahalagang imbestigasyon habang sinisimulan nilang ang isailalim sa recovery ang mga nabanggit.
“Over the past several days, our student-athletes, coaches, and staff have participated in necessary proceedings while also beginning the challenging work of recovery. To support this process, the team is taking time for rest, reflection, and healing,” ‘ika nila.
Photo courtesy: ADMU
Anang ADMU, patuloy raw silang nagbibigay ng psychological support sa kabilang mga student-athlete, coaches, at staff sa pamamagitan ng tulong ng kanilang Loyola School Schools Office of Guidance and Counseling at Ateneo de Bulatao Center for Psychological Services upang lubos na matiyak ang pagbangong muli ng koponan.
Pagpapatuloy ng ADMU, nagpapasalamat daw sila sa mga panalanging inilalaan ng publiko para sa komunidad ng kanilang pamantasan at para na rin sa pamilya ng mga nasawing sina Baterbonia at Adili.
“We are grateful for the prayers, compassion, and solidarity of the Ateneo community. We ask that you continue to keep the team, our coaches and staff, and especially the families of Bobet and Divine in your prayers as we walk this path toward healing together,” pagtatapos nila.
Kaugnay nito, naglabas naman ng pahayag ang University Athletic Association of the Philippines (UAAP) nito ring Biyernes at inanunsyo nilang hindi nila papayagang sumali sa lahat ng UAAP-related activities ang mga coaching staff ng Ateneo Men’s Basketball Team na nasa Dipaculao, Aurora, noong maganap ang insidente ng pagkalunod nina Baterbonia at Adili.
KAUGNAY NA BALITA: UAAP, ipinagbabawal pagsali ng mga ADMU staff na nasa Aurora noong Hunyo 8