July 19, 2026

Home BALITA National

Mga miyembro ng minority bloc, trip bumalik sa trabaho—SP Gatchalian

Mga miyembro ng minority bloc, trip bumalik sa trabaho—SP Gatchalian
Photo courtesy: Senate of the Philippines

Inihayag sa publiko ni Senate President Win Gatchalian na gusto na raw bumalik ng mga miyembro ng minority bloc sa kanilang trabaho bilang mga senador. 

Sa naging pahayag ni Gatchalian sa isinagawa niyang press conference sa Senado nitong Huwebes, Hunyo 18, 2026, kinuwento niyang nakausap daw niya ang ilan sa mga miyembro ng minority bloc na dumalo sa sesyon ng Senado noong Miyerkules, Hunyo 17. 

“Si Sen. Bong Go, yesterday, nakausap ko rin siya. Na-elect siya kaagad as Youth and Sports Committee because ‘yon naman ‘yong kaniyang advocacy,” pagsisimula niya. 

Dagdag pa niya, “‘Yan naman ang gusto natin, makabalik sa trabaho.” 

Diin ni Gatchalian, direksyon na rin daw nina Sen. Joel Villanueva at Sen. Camille Villar ang tuluyang magbalik sa trabaho dahil ‘yon naman daw talaga kailangan nilang gawin. 

National

Tinatayang 20,000 pulis, ipakakalat sa SONA ni PBBM!

“Even Sen. Joel, yesterday. Very clear naman ‘yong kaniyang direction is to go back to work. In fact, siya ‘yong pinaka-productive yesterday on the floor. Sponsoring bills, sponsoring resolutions, ‘yan talaga ang trabaho namin,” aniya. 

Aniya pa, “I’ve talked to Sen. Camille Villar yesterday. Kaya rin na-appoint siya as chairman of the Government Corporations Committee. Which is a very important Committee dahil we’re also looking at implementing the optimization bill.” 

Saad ni Gatchalian, nakatakda rin daw silang magsagawa ng Senate caucus bago magsimula ang Senate impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte. 

“Darating din tayo doon. In fact, we will have an all Senate caucus before the impeachment,” ‘ika niya. 

Pagpapatuloy niya, nakasisiguro daw siya na gusto nang bumalik sa trabaho ng mga miyembro ng minority bloc batay raw sa pakikipag-usap niya kina Go, Villanueva, at Villar noong Hunyo 17. 

“I cannot preempt kung ano ‘yong kanilang magiging desisyon. But one thing for sure, sa mga nakausap ko even in the minority, they want to go back to work,” pagtatapos niya. 

Matatandaang bukod kina Go, Villanueva, at Villar, dumalo din sa sesyon ng Senado sina Sen. Pia Cayetano, Sen. Loren Legarda, at Sen. Rodante Marcoleta. 

KAUGNAY NA BALITA: 'Majority rules. This is democracy!' Sen. Bong Go, pumabor sa 'legal' na majority bloc

KAUGNAY NA BALITA: Sen. Loren sa pagtanggap sa bagong mayorya: '13 na e, noong 12, hindi pa!'