July 27, 2026

Home BALITA National

Ateneo Seniors’ Alliance, may pa-black ribbons; pakikiramay sa pamilya Baterbonia, Adili

Ateneo Seniors’ Alliance, may pa-black ribbons; pakikiramay sa pamilya Baterbonia, Adili
Photo courtesy: Ateneo Seniors' Alliance (FB)

Mamamahagi ng itim na laso ang Ateneo Seniors’ Alliance sa kanilang graduating seniors at super seniors bilang pakikiramay sa mga nasawing student-athletes na sina Rene Baterbonia at Divine Adili, noong Lunes, Hunyo 8. 

Sa pahayag ng school alliance nitong Huwebes, Hunyo 18, ipinanawagan nila sa mga magsisipagtapos na suotin ang ipamamahagi nilang mga itim na laso sa kanang pupulsuhan simula Hunyo 19 hanggang 21 upang makiramay at makibaka sa hustisya, pananagutan, at katotohanan sa naging trahedya. 

“On June 19-21, we call on Graduating Seniors and Super Seniors of the Ateneo Class of 2026 to wear black bands on their right wrists, as we stand with the families of Rene and Divine, and carry their calls for justice, accountability, and the truth onto the stage,” panawagan ng Ateneo Seniors’ Alliance. 

Anila pa, bagama’t naglabas na ng mga pahayag ang Ateneo de Manila University, nanatiling malabo ang naratibo sa mga tunay na pangyayari na nauwi sa trahedyang pagkasawi nina Baterbonia at Adili. 

Ibinahagi rin nilang ang mga pagkasawing ito ay nagdulot din ng pagkagalit, pangungulila, at hinanakit, para sa buong komunidad ng Ateneo, na hindi mawawala kahit sa nalalapit na araw ng pagtatapos ng ilan sa kanila. 

National

Diokno ngayong SONA: 'Panahon nang maglatag ng mga solusyon!'

“[A]s it has become clear in the last few days, lingering questions about our University's response to this tragedy, and the continued outcry for transparency, justice, and accountability for the deaths of Rene and Divine, have left our batch and the whole of the Ateneo community with anger, loss, and pain that is unlikely to disappear come Graduation Day,” saad ng Ateneo Seniors’ Alliance. 

Kaya sigaw ng school alliance, patuloy silang magkakaisa bilang komunidad sa oras ng pagluluksa. 

“We simply cannot act as if everything is normal. In these times of grief and gratitude for our community, it is love that must bind us, and solidarity that must remind us of who we are,” saad ng Ateneo Seniors’ Alliance. 

“We owe it to Rene and to Divine, and to the Ateneo we all know and love,” dagdag pa nila. 

Matatandaang nasawi sina Baterbonia at Adili dahil sa trahedyang pagkalunod sa isinagawang team-building activity ng Ateneo Men's Basketball Team sa Dipaculao, Aurora noong Hunyo 8. 

KAUGNAY NA BALITA: Huling pangako ni Rene Baterbonia: 'Iaahon ko aking pamilya sa kahirapan!'

KAUGNAY NA BALITA: ‘The Next Great Big Man:’ Ang nasawing ADMU foreign-athlete na si Divine Adili