Hayagang sinabi ni Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Director PMGen. Robert Morico II na hindi aksidente ang nangyaring pagkalunod sa dalawang student-athletes ng Ateneo Blue Eagles na sina Rene Baterbonia at Divine Adili, noong Hunyo 8, 2026.
Matatandaang nagkaroon ng team-building activity ang koponan sa isang beach sa Dipaculao, Aurora, kung saan naganap ang nangyaring pagkalunod ng dalawa.
Nitong Miyerkules, Hunyo 17, humarap sa media conference si Morico at natanong tungkol sa bagong development sa kaso. Natanong ang CIDG director kung talaga nga bang aksidente ang pagkalunod ng dalawang manlalaro.
"Yung mga pinagdalhan sa mga estudyante eh, was already away from the heights ng coaching staff... kaya that's the difficulty here. Wala na rin pong nakatirang mga tao ro'n," saad ni Morico.
“Majority of them are in the waters, they are not directly in front of the resort, about 700 meters away."
"Ang makikita doon is the condition of the sea during that time. You won't send somebody doon on that condition," paliwanag pa ng CIDG director.
Kinuwestyon din ng CIDG director kung bakit kailangan pang sa open water gawin ang nabanggit na training, dahil "uneven daw ang shoreline."
Samantala, kinumpirma ni Department of Justice (DOJ) Sec. Fredderick Vida na may immigration bulletin look out order na raw si Coach Tab Baldwin gayundin ang dalawang Ateneo coach habang gumugulong ang imbestigasyon kaugnay sa pagkamatay ng dalawang student-athletes.
Kinumpirma rin ni Ateneo de Manila University President Fr. Roberto C. Yap SJ ang pag-re-resign ni Baldwin sa koponan.
Maki-Balita: ADMU Pres. Fr. Roberto Yap, kinumpira pagre-resign ni Coach Tab Baldwin!
Maki-Balita: Jersey number ni Rene Baterbonia, ni-retire ng Ateneo de Davao!