July 23, 2026

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Takot daw? Jerald Napoles inokray na ibinalandra pa threat sa kaniya, pumalag!

Takot daw? Jerald Napoles inokray na ibinalandra pa threat sa kaniya, pumalag!
Photo courtesy: via MB

Nagbigay ng paalala tungkol sa responsableng paggamit ng social media ang aktor-komedyanteng si Jerald Napoles matapos niyang ibahagi ang isang pribadong mensahe mula sa netizen na hindi lamang nagmura kundi nagbanta rin umano ng pananakit sa kaniya.

Sa screenshot na ipinost ni Jerald, makikita ang mensahe ng isang social media user na may pangalang “Carl Miguel,” na nagsabing: "Taena ka wag ka nga mag movie movie ng ngo² taena mo ka makita lang kita grigripu-han kita."

Ang salitang “grigripuhan” ay kolokyal na termino na karaniwang tumutukoy sa pananaksak o pananakit gamit ang matalim na bagay.

Sa halip na magalit o gumanti ng maaanghang na salita, pinili ni Jerald na sagutin ang mensahe nang mahinahon.

Ayon sa screenshot, ito ang naging tugon niya:

Tsika at Intriga

Freedom of expression, karapatan niya! Pokwang, Meryll dinepensahan si Joshua

"Hi! Thank you for reaching out. Let me try to get back to you as soon as I can."

Maki-Balita: Jerald Napoles minura, pinagbantaang grigripuhan dahil sa pelikulang 'Love, Ngo'

Marami ang napa-react sa kalmadong sagot ng aktor, na kamakailan ay napapanood sa pelikulang "Love, Ngo," na naging sentro rin ng ilang online diskusyon.

Nagbigay rin ng reaksiyon ang asawa at kapwa komedyante ni Jerald na si Kim Molina, na nagpahayag ng pagkabahala sa mga ganitong uri ng mensahe.

"Messages like this are alarming and should never be normalized. Criticism is one thing, but threatening physical harm is another."

Dagdag pa niya, mahalagang panatilihing magalang ang mga talakayan sa internet dahil may totoong taong naaapektuhan sa kabilang panig ng screen.

"Let's keep discussions respectful and remember that behind every screen is a real person."

Maki-Balita: Kim sa pagbabanta kay Jerald: 'Alarming and should never be normalized!'

Sa comment section naman ng post ni Kim, isang netizen ang tila umokray sa kaniya dahil bakit kailangan pa raw i-post ang mga "maliit na bagay" na kagaya ng pagbabanta ng netizen.

"Weird, takot yarn???? Jerald Napoles liit na bagay pinost mu pa," saad ng nabanggit na netizen.

Paliwanag naman ni Jerald, maaaring kasuhan ang nagpadala ng pagbabanta dahil maituturing itong ebidensya ng isang posibleng krimen.

Sa kabilang banda, mas pinili na lang daw niyang "turuan ng leksyon" ang nabanggit na netizen sa halip na idemanda.

"sa batas pwede kasuhan yan.. kailangan matuto na hindi tama ang pagbabanta ng krimen at maaaring gamiting ebidensya sa fiscal. Pero sa panahon ko sa Tundo, ang gripo tinutusok na lang di na binabanggit."

"Nakakatawa lang na nakabasa pa ko ng ganito sa digital era .. huli ko kasi na encounter yang salitang yan, nangyari na lang. so imbes na kasuhan ko turuan na lang natin ng leksyon para malaman na sa era ng social media, responsibilidad natin ang lahat ng ating isusulat mapa-message o post."

"Ikaw may bitaw ka ba?" saad pa ng aktor.

Photo courtesy: Jerald Napoles/FB via Fashion Pulis