July 23, 2026

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Jerald Napoles minura, pinagbantaang grigripuhan dahil sa pelikulang 'Love, Ngo'

Jerald Napoles minura, pinagbantaang grigripuhan dahil sa pelikulang 'Love, Ngo'
Photo courtesy: Viva Films via Jerald Napoles (FB)

Ibinahagi ng aktor at komedyanteng si Jerald Napoles sa social media ang screenshot ng isang pribadong mensahe mula sa isang netizen na naglalaman ng pagmumura at pagbabanta laban sa kaniya.

Sa screenshot na ipinost ni Jerald, makikitang isang Facebook user ang nagpadala ng mensahe ng pagbabanta dahil sa pelikulang pinagbidahan niya na "Love, Ngo" sa direksyon ni Darryl Yap.

Sa nabanggit na pelikula, gumanap si Jerald na isang ngongo o may kondisyon sa kaniyang labi.

"taena ka wag ka nga mag movie movie ng ngo² taena mo makita lang kita grigripu-han kita," mababasa sa mensahe ng netizen kay Jerald, sa pamamagitan ng Messenger.

Ang salitang "grigripuhan" ay isang kolokyal na termino na karaniwang tumutukoy sa pananaksak gamit ang matulis na bagay.

Tsika at Intriga

Freedom of expression, karapatan niya! Pokwang, Meryll dinepensahan si Joshua

Sa kabila ng mabigat at nakababahalang mensahe, pinili ni Jerald na sagutin ito sa isang mahinahon at magalang na paraan.

Sa kaniyang reply, sinabi niya, "Hi! Thank you for reaching out. Let me try to get back to you as soon as I can."

Dahil sa kalmadong tugon, maraming netizens ang nagpahayag ng paghanga sa paraan ng paghawak ni Jerald sa sitwasyon sa halip na patulan ang galit at pagbabanta ng nagpadala ng mensahe.

Nagbigay rin ng reaksiyon ang fiancée ni Jerald na si actress-comedian Kim Molina, na nagpahayag ng pagkabahala sa mga ganitong uri ng mensahe sa social media.

"Messages like this are alarming and should never be normalized. Criticism is one thing, but threatening physical harm is another," ani Kim.

Dagdag pa niya, hindi dapat gawing biro o balewalain ang mga pahayag na may kasamang banta ng pananakit.

"Laugh emojis and 'funny' comments may sound playful, but let's keep discussions respectful and remember that behind every screen is a real person," dagdag niya.

Photo courtesy: Screenshot from Kim Molina (FB)

Nanawagan si Kim sa publiko na panatilihing maayos at magalang ang pakikipagtalastasan online at iwasan ang paggamit ng mga salitang maaaring magdulot ng takot o panganib sa iba.

Samantala, umani ng suporta mula sa mga tagahanga at kapwa artista sina Jerald at Kim, kung saan marami ang nagsabing hindi dapat gawing normal ang pagbabanta at pananakot sa social media, anuman ang dahilan o opinyong pinanggagalingan nito.

May mga humikayat din kay Jerald na sampahan ng reklamo sa National Bureau of Investigation (NBI) ang nabanggit na pagbabanta, at sampolan ang nabanggit na basher.