July 23, 2026

Home BALITA National

Event place sana ng Blue Ribbon hearing, wala raw kaugnayan kina Defensor at 18 ex-bodyguards!

Event place sana ng Blue Ribbon hearing, wala raw kaugnayan kina Defensor at 18 ex-bodyguards!
File Photo

Idiniin sa publiko ng event place na nakatakda sanang pagdausan ng “unauthorized” Senate Blue Ribbon Committee hearing sa Mandaluyong City nitong Martes, Hunyo 16, 2026, na wala raw silang kaugnayan sa mga taong nasa likod ng naturang pagpupulong. 

Matatandaang batay sa FB post ni dating Anakalusugan Partylist Rep. Mike Defensor, binanggit niyang gaganapin ang nasabing pagdinig sa Doublegem EDSA Garden Events Place sa ganap na 10:00 ng umaga nitong Martes, Hunyo 16, kung saan nakatakda muling lumantad ang 18 ex-bodyguards. 

Sa kasalukuyan, dalawang senador ang umaangkin sa Senate Blue Ribbon Committee chairmanship. Ito ay sina Sen. Erwin Tulfo ng Gatchalian bloc at Sen. Pia Cayetano ng Alan Peter Cayetano bloc.

KAUGNAY NA BALITA: 2 Blue Ribbon Committee ng Senado, naglabas ng magkaibang anunsyo

Sa isinapubliko naman na pahayag ng Doublegem EDSA Garden Event Place nito ring Martes, inanunsyo nilang hindi na raw matutuloy ang nakatakda sanang pagdinig sa pangunguna nina Defensor at 18 ex-bodyguards. 

National

Sen. Robin Padilla, nilinaw 'one-sided' remarks niya sa prosekusyon

Diin nila, wala raw silang kaugnayan sa sinomang nasa likod na mga organizers, indibidwal, o layunin ng ikakasa sanang pagdinig dahil trabaho lang daw nilang magbigay ng venue sa mga partikular na pagpupulong o pagdiriwang. 

“We would also like to reiterate that Doublegem EDSA Garden Events Place has no affiliation whatsoever with the organizers, participants, or subject matter of the event. Our role was solely that of an independent events venue provider,” anila. 

Photo courtesy: Doublegem EDSA Garden Event Place

Saad nila, ang mga tao na lang daw na nasa likod ng ikakasa sanang pagdinig sa pangunguna nina Defensor at 18 ex-bodyguards ang magbibigay ng karagdagang impormasyon sa publiko. 

“Any updates regarding the event, including any future arrangements or announcements, will be communicated through their appropriate official channels,” ‘ika nila. 

Samantala, habang sinusulat ito, wala pa namang inilalabas na pahayag si Defensor kaugnay sa kasunod na magiging hakbang nila. 

Patutsada naman ng tumatayong abogado ng 18 ex-bodyguards na si Atty. Levito “Levi” Baligod sa kaniyang Facebook account, may mga nagpasarado raw sa naturang event place kung saan sana sila magsasagawa ng pagdinig.

“Sinarado na nga ang Senado, pinapasarado pa ang Doublegem Events Place hahaha!” buwelta niya. 

KAUGNAY NA BALITA: 5 sa 18 ex-bodyguards sumailalim sa individual Q&A, ligwak!—NBI