Tila opisyal nang ipinakilala ni Kapamilya actress Kaila Estrada sa ama niyang si John Estrada ang kaniyang rumored boyfriend na si Daniel Padilla.
Sa latest Instagram post kasi ni John noong Linggo, Hunyo 14, ibinahagi niya ang serye ng mga larawan na kuha noong nagdiwang siya ng kaarawan kung saan maiispatan na kasama si Daniel sa mga dumalo.
“Celebrating life with my tribe Thank you lord jesus ” saad ni John sa caption.
Umani tuloy ng samu’t saring reaksiyon mula sa mga netizen ang naturang post. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:
"Imagine , Jake Vargas and Daniel Padilla? Aaah"
"aww seeing Jake and DJ in one frame makes my heart happy BTW happy birthday Sir John"
"Happy birthday sa 90's crush ng bayan ! Gwapo p din,walang kupas .ang ga gwapo din ng mga soon to be manugang..."
"Kathniell as always in all ways@bernardokath @supremo_dp"
"Happy birthday! Sana soon mgka work Kau ni dj.. "
"Amg gwapo padin ni John noh"
Matatandaang noong Abril ay pasimpleng kinumpirma ni Kaila ang namamagitan sa kanila ni Daniel nang ibahagi niya ang larawan nilang dalawa na magkayakap.
Maki-Balita: Kaila Estrada, nilantad na si Daniel Padilla sa publiko
Samantala, tinawag naman ng half-brother ni Kaila na si Luigi Muhlach si Daniel bilang bayaw matapos siya nitong batiin sa kaniyang 39th birthday.
Maki-Balita: Luigi Muhlach, tinawag na bayaw si Daniel Padilla