“That kid would have easily given his family just this. And maybe even more”
Umapela si dating World Boxing Organization (WBO) international judge Salvin Lagumbay sa Ateneo de Manila University na dapat nitong sagutin ang matrikula sa edukasyon ng mga naiwang kapatid ng nasawing si Palarong Pambansa “Mr. MVP” Rene Clert Baterbonia.
Sa naging pahayag ni Lagumbay sa viral niyang Facebook post noong Martes, Hunyo 9, pinayo niyang dapat daw na sagutin ng AdMU ang edukasyon ng mga naiwang kapatid ni Baterbonia hanggang sa makapagtapos ng pag-aaral ang mga ito.
“Unsolicited advice,” pagsisimula niya, “Sponsor the education of all Rene Baterbonia siblings until they graduate. Plus all housing and [transport] allowances.”
Ani Lagumbay, dapat daw gumawa ang naturang pamantasan para sa pagbabago ng kalagayan ng naiwang pamilya ni Rene.
“Do fiduciary amends with the family. Set them up for life,” aniya.
Diin ni Lagumbay, kayang-kaya raw kasing baguhin ni Rene ang sitwasyon ng kaniyang pamilya kung hindi ito aksidenteng nasawi dahil sa isinagawang team building ng kanilang koponan sa Aurora.
“Because that kid would have easily given his family just this. And maybe even more,” ‘ika niy.
Pagpapatuloy niya, maabutan din daw sana ng tulong ng AdMU pati na rin ang pamilya ng kapuwa nalunod kasama ni Rene na si Divine Adili.
“Do the same with Divine family,” saad niya.
Buwelta ni Lagumbay, hindi raw maibabalik ng pamantasan ang nawalang buhay nina Rene at Divine ngunit maaari pa rin daw nilang tuparin ang kanilang naiwang mga pangarap.
“You won't bring back their lives. But at least you fulfill their dreams,” aniya.
“You guys [are] so wealthy. Mahal mo tuition baya!” pagtatapos pa niya.
Habang sinusulat ito, nasa Arlington Memorial Chapels and Crematory sa Quezon City, Metro Manila, na ang mga labi ni Baterbonia habang inaasikaso umano ng kaniyang pamilya ang pagbabalik niya sa Talacogon, Agusan del Sur.
Nasa nabanggit na chapel din ang mga labi ni Adili habang umaapela ang kaniyang pamilya na ilipad siya pabalik sa bansang Nigeria.
KAUGNAY NA BALITA: 'Is it just a team building?' Netizens, umalma sa pagkalunod nina Baterbonia at Adili!
KAUGNAY NA BALITA: Aurora police sa pagkalunod nina Rene at Divine: 'Purely accident, hindi inaasahan!'