June 18, 2026

Home BALITA National

'Pattern of harassment?' Mike Defensor, dinedma subpoena ng NBI

'Pattern of harassment?' Mike Defensor, dinedma subpoena ng NBI
File Photo

Hindi pumunta si dating Anakalusugan Partylist Rep. Mike Defensor sa tanggapan ng National Bureau of Investigation (NBI) sa kabila ng inisyu nitong subpoena laban sa kaniya. 

Kaugnay ito sa pag-iimbestiga ng NBI sa mga natanggap nilang impormasyon na sinuhulan umano ni Defensor ng ₱5 milyon ang mga miyembro ng nagpakilalang 18 bodyguards ni former Ako Bicol Partylist Rep. Zaldy Co upang tumayong testigo sa maanomalyang flood control projects. 

Sa naging pahayag ng tumatayong legal counsel ni Defensor na si Atty. Ferdinand Topacio sa pagpunta ng huli sa himpilan ng NBI nitong Miyerkules, Hunyo 10, 2026, sinabi ng abogado na hindi na raw pumunta ang kliyente niya dahil “pattern harassment” lang daw ang iniisyung subpoena ng naturang ahensya. 

“Hindi na pumunta si Congressman Defensor sapagkat itong patuloy na pag-subpoena sa kaniya ay bahagi lamang ng pattern of harassment,” pagsisimula ni Topacio. 

Dagdag pa niya, “Kung mababasa n’yo po ‘yong subpoena ngayon… kita n’yo naman po, cut-and-paste ito.” 

National

'Walang maisagot, iniiwasang sumagot!' Rep. Zia Adiong, tinira kampo ni VP Sara!

Ani Topacio, kaparehas lang daw ng ipinadalang subpoena kay Defensor at una na nitong natanggap noong nakaraang mga buwan. 

“Ito rin po ‘yong subpoena na ipinadala noong nakaraang ilang buwan at pumunta siya rito ngunit sinabi sa kaniya, ‘Hindi naman kayo iniimbestigahan,’” aniya. 

Kuwestiyon ni Topacio, nakapunta naman na raw si Defensor sa NBI noon at maging ang 18 bodyguards, pati na rin sa kinasang pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee sa pangunguna ng mga miyembro ng Cayetano bloc noong Hunyo 4, 2026.

“So bakit pa po siya sina-subpoena? Sinubpoena na po siya, pumunta na siya rito, ‘yong 18 Marines pumunta na rito, ininterview na nila [nang] dalawang beses, pumunta na sa Senado, nagsalita na doon sa Blue Ribbon Committee, so ano pa bang problema?” pagtatapos niya. 

Samantala, habang sinusulat ito, wala pa naman inilalabas na pahayag, tugon, o reaksyon ang NBI kaugnay rito.

KAUGNAY NA BALITA: 5 sa 18 ex-bodyguards sumailalim sa individual Q&A, ligwak!—NBI

KAUGNAY NA BALITA: NBI, binuweltang 'puro sabi-sabi' mga ebidensya ng 18 bodyguards!