July 23, 2026

Home BALITA National

'My calm after every storm!' Lambingan ng mag-asawang Matibag, kinakiligan

'My calm after every storm!' Lambingan ng mag-asawang Matibag, kinakiligan
Photo courtesy: Congresswoman Ann Matibag (FB)

Isang appreciation post na naghahayag ng pagmamahal at paghanga ang ibinahagi ni Laguna 1st District Rep. Ann Matibag para sa kaniyang asawang si National Bureau of Investigation (NBI) Director Atty. Melvin Matibag kasabay ng pagharap nito sa mga hamon at responsibilidad ng kaniyang tungkulin sa serbisyo publiko.

Sa isang social media post noong Hunyo 6, inilarawan ni Rep. Matibag ang kaniyang asawa bilang isang lider na matatag na ipinagtatanggol hindi lamang ang kaniyang mandato kundi maging ang mga prinsipyo, integridad, at pananagutang kaakibat ng paglilingkod sa bayan.

Ayon sa kongresista, naging abala ang nakalipas na linggo dahil sa iba't ibang mahahalagang gawain, responsibilidad, at tagumpay na kanilang naranasan. Aniya, nagpapasalamat siya sa Diyos sa maayos na pagdaraos ng mga ito.

“Nothing beats the feeling of finding home in the shoulders of the person you love,” ani Matibag sa kaniyang post.

Ibinahagi rin niya na personal niyang nasaksihan kung paano nanindigan ang kaniyang asawa sa gitna ng mga pagsubok sa pamumuno at kung paano nito ipinakita ang tapang upang manatiling nakatuon sa mas malaking layunin ng pagprotekta sa institusyong kaniyang pinaglilingkuran at pagsusulong ng kabutihang panlahat.

National

'Kiyapo,' lalakas bilang tropical storm; signal no. 1, nakataas na!

Bagama't nakikita ng publiko ang mga desisyon at laban na kinakaharap ng NBI chief, sinabi ni Rep. Matibag na siya naman ang nakakakita sa mga sakripisyo, dedikasyon, at malasakit nito para sa bansa sa likod ng mga tungkuling ginagampanan.

Ayon pa sa mambabatas, sa kabila ng mga titulo at responsibilidad na kanilang hawak, mahalaga pa rin ang pagkakaroon ng isang taong masasandalan sa pagtatapos ng bawat araw.

Tinawag niya ang kaniyang asawa bilang kaniyang “calm after every storm,” “safe place after every battle,” at “strength through every season.”

Sa pagtatapos ng kaniyang mensahe, muling ipinahayag ni Rep. Matibag ang kaniyang pagmamahal at suporta kay Director Matibag.

“Always proud of you. I’m yours forever,” saad niya.

Umani ng positibong reaksiyon mula sa kanilang mga tagasuporta ang naturang mensahe, kung saan marami ang humanga sa matibay na samahan at suporta ng mag-asawa sa isa't isa sa gitna ng kanilang mga tungkulin sa pamahalaan.

Matatandaang kontrobersiyal ngayon si Matibag dahil sa paghawak sa NBI, lalo na sa kasagsagan ng mga isyu tungkol sa kaguluhan sa Senado, at tungkol sa 18 ex-bodyguards ni dating Ako Bicol party-list Rep. Zaldy Co, na nag-aakusang nadeliveran ng malet-maletang pera ang ilang mga politiko at personalidad.

Maki-Balita: Giit ni Matibag: NBI ang inaatake, hindi Senado!

Inakusahan din ni Matibag si dating Anakalusugan party-list Rep. Mike Defensor na umano'y nag-alok ng ₱5 milyon sa mga nabanggit na 18 testigo para lamang magsalita laban sa kanilang mga expose.

Maki-Balita: NBI, binuweltang 'puro sabi-sabi' mga ebidensya ng 18 bodyguards!