June 09, 2026

Home SHOWBIZ

Mexican actress Thalia, nakiramay sa mga biktima ng lindol sa Mindanao

Mexican actress Thalia, nakiramay sa mga biktima ng lindol sa Mindanao
Photo courtesy: Philippine Red Cross (FB)

Nagpaabot ng pakikiramay ang Mexican actress na si Thalia sa mga biktima ng magnitude 7.8 na lindol na yumanig sa iba’t ibang probinsya sa Mindanao noong umaga ng Lunes, Hunyo 8. 

MAKI-BALITA: PHIVOLCS, itinaas sa magnitude 7.8 ang nangyaring lindol sa Sarangani

Sa kaniyang X post nitong Martes, Hunyo 9, ibinahagi ni Thalia na lubos siyang nalungkot sa ulat ng trahedya at bilang pakikiramay, isinasama niya sa panalangin ang mga nabiktima nito. 

“Philippines, I’m deeply saddened by the news of the earthquake. Keeping everyone affected in my thoughts and prayers, and sending love, strength, and light during this difficult time ‍,” saad ni Thalia. 

Dahil sa malaking pinsalang dulot ng lindol, matatandaang isinailalim na ang General Santos City sa “State of Calamity” upang magamit ang “Local Disaster Risk Reduction and Management Fund” ng lungsod sa muli nilang pagbangon mula sa sakuna. 

Romnick Sarmenta, walang politikong kinakampihan: 'Makabayan ako!'

MAKI-BALITA: GenSan, nasa ilalim na ng state of calamity

Matatandaan ding isa pa sa naging epekto ng lindol ay ang pagkasira ng higit-kumulang 6,224 na paaralan sa mga rehiyon ng Zamboanga Peninsula, Northern Mindanao, Davao, Soccskargen, at Caraga, ayon sa Department of Education (DepEd). 

Bukod pa sa talang ito, 3.2 milyong mag-aaral at 128,000 guro at personnel ang naiulat na naapektuhan ng lindol. 

MAKI-BALITA: Tinatayang 6,000 paraalan, naapektuhan ng magnitude 7.8 na lindol–DepEd

Sa kabilang banda, si Thalia ay itinuturing ng icon sa Pilipinas dahil sa pagsikat ng pinagbidahan niyang TV series na Marimar at Maria la del Barrio, Maria Mercedes, at Rosalinda, na nagkaroon ng Tagalog-dubbed broadcasts at Filipino adaptation.