June 02, 2026

Home BALITA National

'Walang ganoon!' Minority bloc, pinabulaanang niligawan si Sen. Jinggoy

'Walang ganoon!' Minority bloc, pinabulaanang niligawan si Sen. Jinggoy
Photo courtesy: Kiko Pangilinan (FB), File Photo

Mariing itinanggi ng mga miyembro ng minority bloc na niligawan nila si Sen. Jinggoy Estrada para umalis sa majority bloc kapalit ng pangakong hindi raw nila ito hahayaang maipakulong ng Office of the Ombudsman. 

Matatandaang iginiit ni Estrada sa isinagawa niyang press conference noong Lunes, Hunyo 1, 2026, na makailang beses umano siyang inalok na lumipat sa Senate minority bloc upang tuluyan siyang maabsuwelto sa plunder case na isinampa sa kaniya ng Office of the Ombudsman.

KAUGNAY NA BALITA: ‘I stand my ground!’ Sen. Jinggoy, niligawan daw ng minority bloc kapalit ng pag-abswelto sa kaso

Ayon sa naging pahayag ng ilan sa mga miyembro ng minorya sa isinagawa nilang press conference sa plenary session hall nitong Martes, Hunyo 2, 2026, mariin nilang pinabulaan ang naturang alegasyon ni Estrada. 

“Walang ganoon,” diin ni Sen. Win Gatchalian. 

National

SP Alan, maling-mali sa 'let the Senate go quiet'—Sen. Risa

Batay naman sa naging pahayag ni Sen. Vicente “Tito” Sotto III, sinabi niyang normal lang daw ang mag-usap-usap ang mga miyembro ng mayorya at minorya sa loob ng Senado. 

“‘Yong pakikipag-usap, halimbawa ‘yong member ng majority kinakausap ng minority or ‘yong minority kinakausap ng majority, normal ‘yon. In any parliament, normal ‘yon,” aniya. 

Buwelta ni Sotto, wala naman daw kapangyarihan ang minority bloc na pigilan ang pagpapakulong ng Office of the Ombudsman kay Estrada kaya hindi raw totoo ang naging alegasyon ng huli.

“Pero ‘yong para sabihin… hindi ka namin ipakukulong. We don’t have power. We have no power over the Ombudsman. What happened is the rule of law,” pagtatapos pa niya. 

Ikalawang beses nang hindi dumadalo ang mga miyembro ng majority bloc sa sesyon ng Senado magmula noong Lunes, Hunyo 1, dahil sa pagkakaaresto ni Estrada. 

KAUGNAY NA BALITA: Senate majority bloc no show ulit, di na naman sisipot sa plenaryo!—Zubiri