Tumalak si Miss Q&A Season 1 Grand Winner Juliana Parizcova Segovia tungkol sa naging pag-aresto ng mga awtoridad kay Sen. Jinggoy Estrada kung kailan daw naging miyembro na ng majority bloc ang huli.
Matatandaang kusang sumuko si Sen. Jinggoy Estrada sa Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) matapos ang kaniyang naging press conference sa Senado noong Lunes, Hunyo 1, 2026, nang muling maglabas ang Sandiganbayan ng ikalawang warrant of arrest laban kay Estrada kaugnay sa non-bailable case niya sa kinakasangkutan niyang maanomalyang flood control projects.
Noong Biyernes, Mayo 29, naghain ng ₱90,000 piyansa si Estrada para sa graft na isinampa rin sa kaniya ng Ombudsman. Kasunod nito, muli siyang naglabas ng pahayag at nanindigang walang mga tayan ang lahat ng inaakusa laban sa kaniya.
KAUGNAY NA BALITA: ‘I stand my ground!’ Sen. Jinggoy, niligawan daw ng minority bloc kapalit ng pag-abswelto sa kaso
Sa naging pahayag naman ni Juliana sa kaniyang Facebook post noon ding Lunes, kinuwestiyon niyang bakit hindi raw nahuli si Estrada noong panahong naglalabasan ang mga litrato kaugnay sa natanggap daw na maleta ng mga politiko na naglalaman ng salaping mula sa kaban ng bayan.
“Kung totoong sangkot si Senator Jinggoy Estrada sa flood control na yan, [bakit] di n’yo kinasuhan [no’ng] kasagsagan na naglalabasan mga litrato ng mga pulitikong nakatanggap ng maleta?” pagsisimula niya.
Dagdag pa niya, “Bakit ngayon lang? Bakit ngayon lang kung kelan majority na sila? Bakit ngayon lang kung kelan magsisimula ang impeachment? [Para] di makaboto?”
Screenshot mula sa FB post ni Juliana.
Ani Juliana, bakit daw wala pa ring kaso ang nakatanggap umano ng maleta na miyembro ng Liberal Party (LP) na si Marikina 2nd District Rep. Stella Quimbo.
“Si Stella Quimbo na [maliwanag] pa sa kulay rosas ang bukas na may ebidensyang nagdala ng maletang pera sa bahay [niya] bakit walang kaso?” buwelta niya.
Aniya pa, “Ilan pa sa kanila ang gigipitin nyo? Ilan pa ang sisindakin nyo ng kaso para lang maging pabor sa inyo?”
Pagpapatuloy ni Juliana, dapat naman daw na makulong talaga si Estrada kung mapapatunayan daw talagang sangko ang naturang senador sa maaanomalyang flood control projects.
Giit niya, nguni bakit daw mas nauna pang kasuhan si Estrada kaysa sa mga indibidwal na umano’y maliwanag na tumanggap ng maletang naglalaman ng mga salapi.
“Bakit hanggang ngayon malaya sila at kahit anong imbestigasyon. [W]ala[?] Kaya kayong mga kain suka wag kayong tatanga tanga!” pagtatapos niya.
KAUGNAY NA BALITA: SP Cayetano hinamon, kinalampag ang minority bloc: 'Will you stand for the Senate’s independence?'