May 30, 2026

Home BALITA National

PBBM sa political heat: 'I've never attacked anyone... All I do is work!

PBBM sa political heat: 'I've never attacked anyone... All I do is work!
Photo courtesy: RTVM (YT)

Iwinaksi ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., ang kaniyang sarili bilang nagpapataas ng tensyon sa politika dahil wala naman daw siyang ibang ginawa kundi ang gampanan ang kaniyang tungkulin at trabaho. 

Sa naging pahayag ng Pangulo sa isinagawa niyang Kapihan with the Media in Tokyo, Japan, nitong Biyernes, Mayo 29, 2026, sinabi niyang tanging ang mga indibidwal o grupo lang daw na nagpapataas ng tensyon sa politika ang silang makakapagpababa rin ng init nito.

“The only [people] who can turn down the political heat are the people who turned up the political heat in the first place,” pagsisimula niya. 

Giit ng Pangulo, hindi raw siya kailanman umatake sa kahit na sino o nagdeklara ng giyera sa alinmang mga politikal na grupo dahil nagtatrabaho lang daw siya.

“I have never turned up the political heat, I have never attacked anyone, I have never put down anyone, I have never declared war on any political groups, all I do is work,” diin niya. 

National

Lalaking nangikil kapalit ng lokasyon ni Sen. Bato, ginamit lang daw ng pulis!

Aniya pa, “Those who have raised the heat, those who are making all kinds of preposterous allegations, they have increased the political heat. Only they can turn it down. Not those of us who are just working and trying to do the best jobs for the Filipino people.” 

Pagpapatuloy niya, hindi raw sa kaniya o sa puwersa nila nanggaling ang gulo sa politika kaya raw ang iba pang mga hindi niya pinangalanang politikal na grupo ang dapat daw na magbaba ng init ng politika sa Pilipinas. 

“It is the people who have indulged themselves in politics for their own benefit—not for the benefit of the people, not for the benefit of the system, not for the benefit of anybody but themselves—sila lamang ang puwede magbaba ng gulo na nangyayari,” saad niya. 

“Hindi sa amin galing ang gulo na ‘yan,” pagtatapos pa ni PBBM. 

KAUGNAY NA BALITA: 'Only applicable to Sen. Bato!' PBBM, negats sa teleconference session ng Senado

KAUGNAY NA BALITA: Sen. Imee, dapat sibakin staff na nagbigay ng 'fake news' sa no-election—PBBM