May 30, 2026

Home BALITA Metro

DENR, itinanim ulit 2 Narra na pinutol sa Quirino Avenue

DENR, itinanim ulit 2 Narra na pinutol sa Quirino Avenue
Photo courtesy: Mark Balmores (MB)

Muling itinanim ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang dalawang puno ng Narra na pinutol sa Quirino Avenue, Maynila upang itayo ang Southern Access Link Expressway (SALEX), na magdurugtong sa Skyway at Roxas Boulevard. 

Ang nasabing mga puno ng Narra ay muling itinanim sa Hidden Garden Manila bilang parte ng kanilang inisyatiba ng DENR na pagpoprotekta sa kalikasan habang pinagyayabong ang urban development. 

Ibinahagi ni DENR Asec. Norlito A. Eneran sa media na bukod sa dalawang Narra na ito, mayroon na pa silang 40 punong nailipat at muling itinanim sa iba pang parte ng lungsod, katulad ng Intramuros at PhilPost center island. 

Sa kasalukuyan, mayroon nang 245 mga punong naputol ang DENR sa Quirino Ave., at sa lumabas sa assessment ng DENR, 44% dito ay umano’y nabubulok na; 26% ang mayroon nang mga nakabuhol na kable; at 19% ang umano’y patay na, lanta, o kaya’y may sira na. 

Anila pa, 11% lamang sa mga puno ang nakitang malusog at stable.

Metro

Higit ₱6M halaga ng umano'y ilegal na droga, ikinubli sa mga parcel!

Sa pamamagitan ng maayos na maintenance ng mga replanted na puno, tiniyak ng DENR na mayroon itong  80% survival. 

Matatandaang ilang netizens ang umalma sa naging pagpuputol ng mga puno, isa na rito ang visual artist na si JP Pining, na ginawan niya ng sariling bersyon ang logo ng DENR upang ihayag ang kaniyang pagkadismaya. 

MAKI-BALITA: ‘Destroying Environment and Natural Resources?’ Visual artist, dinogshow logo ng DENR

Gayundin ang aktres na si Nadine Lustre, na aniya, paatras ang naging pag-iisip upang aprubahan at isagawa ang pagpuputol ng mga puno para sa pagpapatayo ng isang imprastraktura. 

MAKI-BALITA: 'It's hard not to feel affected:’ Nadine Lustre, bumoses na sa mga kaganapan sa bansa

Isa pa ay ang social action network na Caritas Philippines, na tinawag na “act of ecological violence” ang mga naging pagpuputol sa mga punong nagsisilbing “silent protectors” at “lungs of the community.” 

MAKI-BALITA: Caritas PH, tinawag na 'ecological violence' pagpuputol ng puno sa Quirino Avenue