May 25, 2026

Home SHOWBIZ

Andrea Del Rosario, sumakit ulo sa matatapang sa internet: ‘Buti na lang maganda ako!’

Andrea Del Rosario, sumakit ulo sa matatapang sa internet: ‘Buti na lang maganda ako!’
Photo Courtesy: Andrea Del Rosario (FB)

Tila naimbyerna ang aktres at dating Viva Hot Babes member na si Andrea Del Rosario sa mga umano’y matatapang sa internet pero nagtatago naman sa alyas.

Sa isang Facebook post ni Andrea kamakailan, mababasa ang hirit niya laban sa mga ito kalakip ang larawan niya.

“Ang tatapang ng iba sa internet.. e nagtatago naman sa alias! Hay sakit sa ulo! Buti na lang, maganda ako diba? Lol” saad ni Andrea.

"Tapos bagong gawa pa ang fb 7 friends pa"

"Wala ka pa ring kupas idol.. keep it up!"

Misis ni Sen. Bato, umapelang huwag kaladkarin sa Hague ang mister

"Tama s mami tlgang mganda k"

"Wag na po kayo sumali sa Politika. Mahahati lang ang mga fans mo. Maganda solid po lahat supporters mo para sayo. Salamat po"

"Part yan Ng pagiging maganda mo miss Andrea bashers are really everywhere haahahahahaha Lalo na artista ka hahahaha"

"pinasaya mo nanamn ako araw ko tita ko andrea ko " 

Matatandaang naging usap-usapan kamakailan si Andrea dahil sa pagpapaskil niya ng larawan nila ni Sen. Ronald “Bato” Dela Rosa matapos nitong tumakas sa Senado noong madaling-araw ng Mayo 14.

Maki-Balita: Sen. Bato dela Rosa, bumisita kina Andrea Del Rosario?

Ngunit nilinaw niyang matagal na umano ang larawan nila ng senador at sumakay lang siya sa meme.

Maki-Balita: Andrea Del Rosario, nilinaw ang kumalat na larawan nila ni Sen. Bato dela Rosa