Tila dedma at magpapatuloy lang daw ang Italian-Canadian actor na si Nico Locco sa kabila ng kamakailan niyang pag-amin na kasama siya sa mga kumalat na screenshot na larawang kasama ang isang kontrobersyal na babaeng nakaladkad sa sex scandal ilang mga aktor.
Matatandaang apat na mga aktor, kabilang sina Arron Villaflor, Ron Angeles, Gil Cuerva, at Nikko Natividad ang nakasama sa tinatawag na “Big Four” o apat na aktor na may sex video scandal.
Ani ni Nico noon, Marso 4, 2025, pa lang daw ay nilayon na niyang manindigan para sa kaniyang sarili sakali mang may lumabas pang sex video at makita ng publiko ang kaniyang mukha.
KAUGNAY NA BALITA: Walang kuskos-balungos! Nico Locco, inangkin ang kumakalat na sex video
Ayon naman sa naging bagong pahayag ni Nico sa isinagawa nilang press conference para sa pagbibidahan niyang pelikulang “Hayok” nitong Sabado, Mayo 16, sinabi niyang ito na raw muli ang unang beses na humarap siya sa media matapos ang naturang mga naging scandal.
“This is the first time I think I’ve been in front of the media since the controversy,” pagsisimula niya.
Anang aktor, inaasahan na raw niyang mauurirat siya ng media tungkol sa usaping ito kaya raw hinanda na niya ang kaniyang sarili.
“I was expecting na baka may questions about that today. I prepared myself mentally when I woke up, and I looked at myself in the mirror, ‘Baka may questions about that,’” aniya.
Giit ni Nico, hindi naman daw siya titigil sa kaniyang career dahil lang naging amba ng sex scandal laban sa kaniya at idiniin niyang magpapatuloy lang siya.
“Pero okay lang. It’s been great. Tuloy ang laban. The show must go on. Things happened, that happened pero that doesn’t mean I’m stopping or giving up,” ‘ika niya.
Dagdag pa niya, “It was an unfortunate circumstance.”
Pagpapatuloy ni Nico, masaya raw siyang nakaharap siyang muli sa media at sa isinagawa nilang press conference ng Vivamax (VMX).
“It feels great to be in front of the press again and doing the presscon again for Viva,” pagtatapos niya.
KAUGNAY NA BALITA: Ibang Big Four pala? Sex scandal umano nina Arron Villaflor, Ron Angeles, Gil Cuerva, Nikko Natividad pinagpiyestahan!
KAUGNAY NA BALITA: Gil Cuerva, nagsalita na tungkol sa umano'y sex scandal niya