Nagpadala ng liham ang presidential sister na si Sen. Imee Marcos sa kaniyang kapatid na si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos upang umapelang pansamantalang sibakin ang ilang mga opisyal ng National Bureau of Investigation (NBI).
Pagkatapos ito ng naganap na kaguluhan sa loob ng Senado noong gabi ng Miyerkules, Mayo 13, 2026, kung saan magkakasunod na mga putok ng baril ang gumulat sa publiko.
Matatandaang pinabulaanan ni NBI Director Melvin Matibag na opisyal ng kanilang ahensya ang nasa likod pamamaril sa loob ng Senado dahil wala naman daw silang ipinadalang ahente roon.
Base naman sa impormasyong mula sa South Police District nitong Huwebes, Mayo 14, sinabi nilang nahuli na ang kinilalang driver ng NBI na si Mel Oragon, 44, na siyang nasa likod ng naganap na kaguluhan.
Sa naging liham naman ni Sen. Imee sa Pangulo na ibinahagi niya sa kaniyang Facebook page nito ring Huwebes, inapela niyang pansamantalang buwagin sa serbisyo sina Matibag, NBI National Capital Region (NCR) Chief Atty. Emeterio Dongallo, Jr., at NBI Organized and Transnational Crime Division Chief Atty. Jerome Bomediano.
Photo courtesy: Imee Marcos (FB)
Ani Sen. Imee, layunin daw ng pansamantalang pagsibak sa mga nabanggit na opisyal ng NBI na isulong ang kredibilidad sa imbestigasyon sa naganap na insidente sa Senado.
“Such temporary relief is necessary to preserve the integrity and credibility of the investigation and to remove any appearance of undue influence or impropriety,” aniya.
Diin niya, nababahala raw ang publiko dahil na rin sa nasaad ni Matibag na walang ahente ng NBI ang pumunta sa Senado gayong malinaw daw sa mga ulat at kumalat na video na may mga NBI agents talagang nasa lugar ng pinangyarihan ng kaguluhan,
“Public concern has been heightened by the inconsistent public statements of Director Matibag, including claims that NBI personnel were merely at Sequoia Hotel for a fellowship, despite reports and videos allegedly showing NBI agents in or within the Senate premises,” saad ni Sen. Imee.
“These conflicting accounts make it all the more important that the investigation proceed free from any perceived interference,” pagtatapos pa niya.
KAUGNAY NA BALITA: NBI Dir. Matibag, pumalag; wala raw NBI agents sa loob ng Senado habang may putukan!
KAUGNAY NA BALITA: ‘I will not arrest him!’ Pagdating ni SILG Remulla sa Senado, ‘di para arestuhin si Sen. Bato!