May 21, 2026

Home BALITA National

'It is within their power!' Palasyo, 'di panghihimasukan mga nangyayari sa Senado

'It is within their power!' Palasyo, 'di panghihimasukan mga nangyayari sa Senado
Photo courtesy: RTVM/YT


Nanindigan ang Malacañang na sila ay hindi makikialam sa mga kaganapang nangyayari sa loob ng Senado.

Kaugnay ito sa pagpapalit ng liderato ng Senado noong Lunes, Mayo 11, kung saan pinatalsik na si Sen. Vicente “Tito” Sotto bilang Senate President (SP), na siyang pinalitan naman ng kapuwa niya mambabatas na si Sen. Alan Peter Cayetano.

Kasabay din nito ang pagkaka-impeach ni Vice President Sara Duterte sa Kamara, sa ikalawang pagkakataon noon ding Lunes, Mayo 11.

KAUGNAY NA BALITA: 'First in Philippine History!' De Lima, pinagdiinan 2nd impeachment ni VP Sara sa Kamara-Balita


Sa press briefing na isinagawa ng Presidential Communications Office (PCO) nitong Martes, Mayo 12, iginiit ni PCO Undersecretary at Palace Press Officer Atty. Claire Castro na ang mga nagaganap sa Senado ay nakapaloob sa sarili nitong kapangyarihan.

“Well, everything that happens in the Senate is…it is within their power; it is within their authority to decide on all matters within the Senate,” saad ni Usec. Castro.

Aniya, “So, hindi po panghihimasukan ng Pangulo anuman po ang magiging desisyon ng Senado.”

Natanong din ang press officer kung bakit daw si dating Senador Antonio Trillanes IV ang tila unang nagkaroon ng kaalaman hinggil sa warrant of arrest na inihain ng International Criminal Court (ICC) laban kay Sen. Ronald “Bato” dela Rosa para sa kasong crimes against humanity at hindi ang pamahalaan.

“Ang sabi po ng NBI ay nabigyan po sila ng kopya; dahil po sa ating pagkakaalam ay hindi ko naman po masasagot kung ano po ang personal knowledge ni dating Senador Trillanes,” anang press officer.

“So kung nagkaroon po siya ng kopya, maaari pong dahil siya ay parte ng nagsasagawa ng pag-file ng kaso noon—pero I cannot speak for the senator,” dagdag pa niya.

Sa kasalukuyan, si Sen. Bato ay nasa ilalim pa rin ng kustodiya ng Senado.

KAUGNAY NA BALITA: 'Stupid!' Sen. Padilla, inaming 'di importante sa kanila ICC warrant vs Sen. Dela Rosa-Balita