May 22, 2026

Home BALITA

Rep. Pulong binuweltahan ang Palasyo, DOJ: 'Huwag gawing tanga ang taumbayan!'

Rep. Pulong binuweltahan ang Palasyo, DOJ: 'Huwag gawing tanga ang taumbayan!'
Photo Courtesy: Polo Martinez, via MB

Binanatan ni Davao City 1st District Rep. Paolo “Pulong” Duterte ang Malacañang at Department of Justice matapos linawing hindi umano naaresto ng Czech Republic si dating Ako Bicol Party-list Rep. Zaldy Co.

“Technically, not arrested but there is a deprivation of liberty to a certain degree,” saad ni DOJ spokesperson Atty. Polo Martinez noong  Abril 24, 2026.

Maki-Balita: DOJ, inaming 'di ‘technically’ inaresto ng Czech si Zaldy Co

Sabi naman ni Palace Press Officer Atty. Claire Castro,” Hindi nanggaling sa Pangulo ang salitang 'aresto.' Ang sabi ng Pangulo ay nasa kustodiya ng Czech Republic si Zaldy Co dahil sa kakulangan sa proper documentation.”

Kaya sa latest Facebook post ni Rep. Duterte nitong Lunes, Abril 27, sinabi niyang malinaw na pagtatakip umano ang ginawa ng DOJ at Palasyo.

Sey ng NBI: 'Fugitive Senator Dela Rosa will be arrested whether he likes it or not'

Aniya, [H]indi na ito simpleng semantics. Ito ay malinaw na pagtatakip. At habang abala sila sa pag-iikot ng salita, mas lalo lang lumalabas kung gaano nila gustong ilihis ang usapan sa mas malalaking isyu—lalo na sa korapsyon.” 

“Hindi na kami nagugulat. Pero sana, huwag nilang gawing tanga ang taumbayan,” dugtong pa ni Rep. Duterte.

KAUGNAY NA BALITA: 'We will bring Zaldy Co home in accordance with the law!'—PBBM 

Matatandaang Abril 16 nang ianunsiyo ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. na nakakulong na si Co sa Prague matapos umano nitong tumawid sa Czech Republic nang wala umanong tamang dokumento.

Maki-Balita: Zaldy Co, tiklo sa pagpasok sa Czech Republic—PBBM