May 21, 2026

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

'Ang 'di lumingon sa pinanggalingan ay?' Vice Ganda, may patutsada kay Zaldy Co

'Ang 'di lumingon sa pinanggalingan ay?' Vice Ganda, may patutsada kay Zaldy Co
Photo courtesy: It's Showtime (YT), File Photo

Tila pinahagingan ng “It’s Showtime host” at Unkabogable Star na si Vice Ganda ang pagkakaaresto ni dating Ako Bicol Partylist Rep. Zaldy Co sa Czech Republic. 

Ayon sa naging segment ng It’s Showtime na “Laro Laro Pick” nitong Sabado, Abril 18, 2026, isa sa mga naging unang tanong ng kanilang laro ang isang kasabihan na sikat sa maraming Pilipino. 

“Ang hindi marunong lumingon sa pinanggalingan ay _________,” mababasang tanong na pinaskil sa TV screen.

Ang tamang sagot at bubuong mga salita sa tanong na ito ay “Hindi makakarating sa paroroonan.” 

Ngunit nang iwasto ni Vice sa contestant na si Tatay Hapon ang sagot sa nasabing katanungan, tila naisingit pa ng unkabogable star na patutsadahan si Co. 

Tsika at Intriga

Andrea Del Rosario, nagbiro sa mga may pic kasama si Bato: 'Lahat kayo for questioning daw!'

“Sikat ‘yang kasabihan na ‘yan. Bata pa lang tayo, ‘di ba?” pagsisimula ni Vice. 

“Ang hindi lumingon sa pinanggalingan ay?” tanong niya sa mga manood. 

Buwelta ni Vice, “Mahuhuli sa Czech Republic.” 

Pagbubuo pa ni Vice, “Ang hindi marunong lumingon sa pinanggalingan, mahuhuli sa Czech Republic.” 

Bagama’t walang literal na pangalang nabanggit ang host, matatandaang kinumpirma mismo ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., noong gabi ng Huwebes, Abril 16, 2026, na natiklo ng mga awtoridad ng Czech Republic si Co matapos umano itong tumawid sa sa nasabing bansa nang wala umanong tamang dokumento.

"Nahuli na si Zaldy Co. He is now detained in Prague after crossing into the Czech Republic without proper documentation and is currently in the custody of Czech authorities," anang Pangulo noon. 

KAUGNAY NA BALITA: Zaldy Co, tiklo sa pagpasok sa Czech Republic—PBBM

KAUGNAY NA BALITA: ‘Anong plano n’yo sa kanila?’ Vice Ganda, kinatigan mga nawalan ng trabaho sa oil crisis